14

1 0 0
                                    

It's been a month simula noong nakapasok ako sa klase. Maraming nagbago at napansin ko sa sarili ko na naging open ako sa mga kaklase ko.

Yohan, Charles, Mar and Alexus became my friends. Palagi kaming magkausap sa group chat namin.

Yohan Villanueva:

Dove, tapos mo na ba yung revision sa gawa natin sa CPAR?

Nagtipa ako ng ire-reply sa kaniya habang nakaupo sa swivel chair rito sa loob ng study room ko. Ngayong araw ang uwi ni CJ dahil pauwi na raw si Tito galing sa business trip sa ibang bansa. Gusto ko sana siyang ihatid, pero susunduin siya ng driver nila at may pasok pa ako ngayon.

Dove Sanctuary:

Yes, kakatapos ko lang kanina.

Marami akong kailangang gawin, kaya hindi ako pwedeng basta-basta umalis.

Maya maya, kumatok si CJ sa labas ng kwarto kung nasaan ako at nang bumukas ang pinto, nakabihis na siya habang bitbit ang bag niya.

Nakangiti siyang lumapit sakin. Tumayo ako at sinalubong siya.

"Uuwi ka na?" Mahinahong tanong ko sa kaniya. Nakangiti siyang tumango bago ako sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko siya pabalik at pinigilan ko ang sarili ko na mapaiyak.

"Salamat sa lahat lahat, Dove," sinserong sabi niya bago humiwalay ng pagkakayakap sakin. Pinisil ko ang pisngi niya at malungkot na ngumiti sa kaniya.

"Mag iingat ka doon, ah? Update me. Kapag may nangyaring anuman, magsabi ka sakin. Pwedeng pwede ka rito sa condo ko. Bukas ito palagi para sayo."

Niyakap ko siya bago ko siya inihatid sa labas ng condo ko. Hinintay ko rin ang kotse na susundo sa kaniya. Niyakap ko ulit siya nang dumating ang driver nila at hinintay lang siyang makapasok sa loob ng kotse hanggang tuluyang nawala iyon sa paningin ko.

Napapabuntong hininga akong naglakad na pabalik sa condo ko dahil malapit na rin na mag umpisa ang klase. It's October 10 and today is Monday.

Walang pasok bukas, kaya naman masusulit ko ang pagpapahinga. Kailangan ko rin ng tulog dahil wala akong maayos na pahinga dahil sa pagsasagot ng mga modules na isang linggo naman ang deadline.

Ang first subject namin ay Philosophy. Hindi ko alam, pero biglang pumasok sa isip ko na kapag nagkaboyfriend ako, Philo ang itatawag ko. Philo means love.

Ayoko kasi ng mga common na call sign. Masyadong gamit na gamit at lalo na, mas gusto ko 'yung unique.

Nang makabalik ako sa condo ko, dumiretso ako sa study room at muling pinindot ang link ng meeting I.d namin para makapasok na ako. Maaga pa naman, pero dahil ayoko namang malate, pumasok na ako ng maaga.

Nang makapasok na sa zoom meeting, nakamute lang ang mic ko dahil wala naman akong balak magsalita. Pero mukhang sinusubukan ako ng tadhana.

Ma'am Clarisse open her mic and talk to me.

"Can you hear me, Ms. Sanctuary?" She asked me politely. I gulped and I have no choice, but to open my mic.

"Yes po, Ma'am," magalang na sagot ko sa kaniya. Hindi na ako nag abala pang magmute ng mic, pero mukhang talagang malas ako ngayon dahil ang sumunod na sinabi ni Ma'am ang nakapagpakaba sakin.

"Ms. Sanctuary, can you lead the prayer?" She asked me again. Muntik na akong matawa, kaya naman nagmute na ako lalo na nang mapansin na kakapasok lang ni Yohan sa meeting.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil wala naman akong ibang choice! She's the teacher, while I'm the student who need to obey whatever she would say and asked!

My DaylightWhere stories live. Discover now