Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw na pinakamahalaga para kay Schian. Today is his birthday!
Chineck ang cellphone ko na nasa bedside table nang sunod sunod ang pagtunog non, tanda na may nag chat.
Nang buksan ko iyon, napangiti kaagad ako nang mabasa ang sunod sunod na message ni Schian.
Schian Klein Pelagio:
Tara sm yome HAHAHAHAAHA
Ala masyadong ganap dito sa bahay e di kami makakalabas mama ko may inaasikaso sa trabaho tapos ate ko magnininang pa sa binyag
Sayang HAHAHAHAHAHA
Anyways good morning
Nakangiti akong nagtipa ng reply sa kaniya. Sa simpleng message nya lang, napalangiti na kaagad ako. Tuwing naiimagine ko ang mukha nya, automatic akong napapangiti sa kawalan.
Dove Sanctuary:
Good morning rin Philo
Happy Birthday
Tumayo na kaagad ako para mag ayos nang maisend ko na ang chat ko sa kanya. Didiretso na sana ako sa comfort room para maligo na, pero napakunot ang noo ko nang marinig ko ang sunod-sunod na doorbell sa labas ng unit ko.
Naglakad na ako palapit sa pinto at walang pasabing binuksan ang pintuan. Natigilan ako nang makita si Mama sa labas ng pintuan habang seryosong nakatitig sakin.
Ang kaninang nakangiti kong labi ay napalitan ng seryosong mukha. Hindi ko inaasahan ang pagdating nya.
“What are you doing here?” I seriously asked her. She just smirked at me and pushed the door and she walked inside of my unit.
Bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa pintuan. Heto na naman ako… nasasaktan na naman ako.
Walang pakialam akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Nakamasid lang ako sa bawat galaw nya, hinahayaan siyang pagmasdan ang kabuuan ng unit ko.
“So, rito ka pala nakatira?” Pagtatanong nya habang inililibot ang tingin sa paligid. Hindi ako nagsalita. Lumingon siya sakin at kapansin-pansin ang galit sa mga mata nya. “Ang ganda, ah. Saan ka nakakuha ng pambayad nito?”
“Dad’s lawyer was the one who bought this condo. Wala akong hiningi kay Papa. Hindi ako nanghuhuthot ng pera sa inyo,” matigas na sagot ko sa kanya.
“Kaya pala naglagay siya sa bank account mo ng five trillion. Pamana nya raw sayo sabi ng lawyer ng Papa mo. So, masarap ba?”
May ipinamana sa akin si Papa? I didn’t know about that.
“You can have it. I don’t need money. I can work hard for it,” I coldly said. She noncholantly chuckled as if she heard a joke from me.
“Mayabang ka talaga! Hindi ko kukuhanin ang pera ng asawa ko sayo dahil may pera naman ako at negosyo. It’s more than enough for me to make sure that you will envy me,” she said with determination. Napangisi ako dahil sa sinabi niya.
“That’s such a shame on you. I will never envy you. I’m not stupid as you,” I insulted her. I know, I’m wrong, but she’s being too much.
“How dare you?!” Mabilis ang hakbang niaya palapit sakin at sinalubong ako ng malakas na sampal. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko dahil sa ginawa niya. “Ampon lang kita! Ampon!”
Alam ko namang totoo lang ang sinasabi niya, pero bakit masakit parin? Bakit hindi ko kayang lunukin at tanggapin? Bakit para akong nasasakal kapag sinasabi niya iyon?
“Wala kang kwenta! Manang mana ka sa pokpok mong nanay! Walang hiya ka!” Galit na sigaw nya sakin. “Pinagsisisihan kong inampon kita! Nagsisisi akong kumuha pa ako ng batong ipupukpok sa ulo ko! Sana hindi ka maging masaya! Sana iwanan ka ng lahat ng tao sa paligid mo! Sana walang magmahal sayo dahil nakakatangina ka! Nakakapagod ka at hindi ka kamahal-mahal! Kasalanan mo kung bakit namatay ang Papa mo!”
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine