Pagkauwi ko, nag usap pa kami ni Schian. Para kaming hindi napagod sa gala namin kanina.
Napansin ko rin na nagmyday siya ng picture naming magkakaklase, pero kapansin-pansin na nakaakbay siya sakin.
Hard launch malala, ah?
Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Paano kung makita ito ng magulang at mga kapatid niya? Paano kung ayaw nila sakin? Paano kung hindi nila ako gusto para kay Schian?
T-Teka nga! Bakit ba ako nag ooverthink, eh, hindi ko pa naman gusto ang lalaki? Gusto ko na ba siya?
Dahil sabado kinabukasan, nalate na naman kami ng tulog. Nagkwentuhan kami hanggang alas-dos. Pakiramdam ko, nabitin rin siya sa pagsasama namin o baka naman hindi pa siya inaantok.
Kahit hindi siya nagsasawa at nagkukulang na magbigay ng assurance , ako na ang kusang nag ooverthink. Dahil sa nakaraan ko na hindi naman siya ang may kasalanan, kaya ako nagkaganito.
Dati naman ay sobrang chill girlfriend lang ako. Lahat ng bagay ay ayos lang sakin kahit pa kasama ang ibang babae, pero ngayon pakiramdam ko kahit first love, pagseselosan ko sa sobrang laki ng trust issues ko.
Nakwento sa akin ni Schian ang tungkol kay Sandy, dati niyang ka M.U. pinaasa siya nito at binasted. Pakiramdam ko kahit ganoon ang nangyari, minahal siya ni Schian dahil wala naman sa itsura nya ang maglaro ng babae.
She became a threat to me. Pakiramdam ko, mas malang siya sakin dahil siya ang nauna sa buhay ni Schian. Hindi ko alam kung nagseselos na ba ako.
Gusto ko na ba si Schian?
Kinabukasan, nasa video call kami ng alas onse ng umaga. May ginagawa kami sa Philosophy na individual, kaya naman kahit nasa video call, sabay-sabay kaming gumagawa habang nagkukwentuhan.
“Schian, tara mamaya sa Sm. May laro raw roon gamit ang pc! Sama ka!” pagyaya ni Mar kay Schian.
“Sige ba! Game ako dyan!” Rinig kong sagot ni Schian kay Mar. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Sasama ka?” Pagtatanong ko kay Schian kahit na sinagot naman na nya ang tanong ni Mar kanina.
“Yeye! Maglalaro kami ni Mar sa pc sa Sm!” Nahimigan ko ang pagka-excite sa tinig niya.
“Pwede ka namang sumama, pero tapusin mo muna ‘yung para sa Philosophy na popsicle stick. Para rin wala ka nang intindihin mamaya pag alis mo,” seryosong suhestyon ko sa kanya.
“Bakit mo siya pinagbabawalan, Dove? Wala kang karapatan na pagbawalan si Schian dahil hindi ka pa naman nya girlfriend!” Sagot ni Yohan sakin, dahilan para bigla akong matauhan sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na ang magandang intensyon ko ay tila naging mistulang isang nagkokontrol dahil sa sinabi ni Yohan. I have a pure intention, but why do I suddenly felt being a hinder on someone’s happiness?
Oo nga naman… wala naman akong karapatan na magbawal dahil hindi naman nya ako girlfriend. Bakit ba ako nangingielam sa desisyon niya? Kung ano man ang gusto niya, hindi dapat ako humadlang.
Walang pasabi akong nagleft sa call at nagleave sa Gc. Masama ang loob ko at nasaktan talaga ako sa sinabi ni Yohan.
Masama bang maging concern? Pangingialam na ba ang tawag roon? Nagiging hadlang nga lang ba ako sa mga gustong gawin ni Schian?
Bumigat ang pakiramdam ko hanggang sa hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Nasasaktan ako, pero ayokong may makaalam ng nararamdaman ko.
Nang tumunog ang cellphone ko, pinalis ko ang luha sa mga mata ko at tinignan kung sino iyon. Nang makita ang pangalan ni Schian, para akong maiiyak na naman dahil sa paulit-ulit na naririnig ang sinabi ni Yohan sa isip ko.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine