27

8 1 1
                                    

Brix POV

It's been four years since the day that we broke up. I can't deny that I'm missing her everyday and every night.

Siya ang laman ng puso at isip ko hanggang ngayon.

Wala na akong balita sa kanya simula ng maghiwalay kami. Hindi ko akalain na magiging malayo siya sakin dahil nasanay akong palagi ko siyang nakikita at nakakausap kahit sa chats at video calls.

She became the star that I couldn't reach anymore. Maybe she's too mad at me because of what she thought that I did.

Akala niya ay nakipaghiwalay ako sa kanya. That was not true. I would never break up with her. Not ever.

Simula nang makita ko siya noong unang pasukan, napansin ko ang pagiging simple at kakaiba nya. She has this strong aura that I couldn't get enough.

Hindi ko man lang maalis ang tingin sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Hindi siya nakatingin sakin, kaya naman malayo ko siyang titigan kahit kailan ko gusto.

She's just quiet while observing and listening to our adviser, Ma'am Aira while discussing to us the rules and regulations in our room.

Mukha siyang maldita, malamig ang mga mata at para bang hindi marunong ngumiti. Hindi siya kagaya ng ibang babae na madaldal at maingay. Para siyang tahimik at mysterious type.

I can't help but to smile while looking at her, but I suddenly looked away when she looked in my direction. Maybe she felt my stares, that's why.

Ayokong mahuli niya ako. Sa dami ng babaeng nakilala ko simula pa noong elementary ako, ngayon lang ako natorpe nang ganito.

Pagdating kay Dove, natatanga ako.

"Kailan ka aamin sa kaniya, pre?" Tanong ni Arvin habang naglalakad kami papunta sa room namin. Lunes ngayon, kaya naman mas nag ayos ako at nagpabango na bagong bili ni Mama sakin.

Napahawak ako sa batok ko bago ko sagutin ang tanong nya.

"I can't do that now. Baka imbes na makatanggap ako ng sagot, baka sapak ang abutin ko." It's true.. takot akong mareject lalo pa at mukhang hindi naman ako gusto ng babae.

Bakit pa ako aamin kung hindi rin naman ako gusto? Bali-balita rin kasi na si Edcel ang gusto nya, ang president namin sa klase. Type nya ang matalino, kaya naman halos gugulin ko ang oras ko sa pag aaral.

Napabuntong hininga naman si Arvin at napakamot rin sa ulo nya.

"Torpe mo pre!" Aniya bago kami nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa paakyat na kami sa room. Napansin ko ang mga kaibigan ni Dove, pero ang babae ay mukhang wala pa.

Kabisado ko na ang routine ni Dove. Sa araw araw na nakikita ko siya, napapansin ko na ang mga hilig nya... ang mga bagay na hilig niyang gawin. Mahilig siyang magbasa ng libro, kaya naman nag umpisa na rin akong magbasa ng libro, nagbabakasakali na mapapansin niya ako, pero hindi.

"Pre, tara mcdo tayo!" Yaya ni Arvin habang nandito kami sa Sm para tumingin ng mga librong hawak kanina ni Dove. I also want to know her types of book.

"Pass, pre. I need to buy books," sagot ko sa kanya habang tumitingin ng libro. Napakunot ang noo ko nang mapansin na wala noon ang librong hinahanap ko.

"Sus! Nagpapapansin ka lang Kay Dove, eh!" Asik niya pa. Hinayaan ko nalang siya at lumipat sa kabilang bookshelves. Habang naghahanap ng libro, napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang tinawag niyang babae na kanina ko pa naiisip. "Dove! Nandito ka rin?"

"Yeah, I'm just gonna look for something," rinig kong sagot ng babae. Tumikhim ako at kumuha ng kahit na anong libro na nasa harapan ko.

Nang marinig ko ang yabag nyang papalapit, nagkunwari akong seryosong nagbabasa ng libro na hawak ko. Nakaplastik iyon, kaya naman sa likod lang ang binabasa ko.

My DaylightWhere stories live. Discover now