Nang dumating ang araw ng pasukan namin, halos magdiwang ang buong klase. Ang iba naman ay nasa ibang lugar, kaya kailangan na umuwi na para makapasok sa unang araw ng face-to-face.
Habang tumatagal, mas naging malapit kami sa isa't isa ni Schian. Madalas kaming mag video call at tuwing gabi ay napupuyat kami dahil sa masayang kwentuhan.
Hindi pa niya ako naipapakilala sa magulang niya dahil hindi pa ako handa at ganoon rin siya. Naghahanap siya ng tyempo para madala ako sa bahay nila.
Bago pumasok, nagvideo call muna kami ni Schian. Nangulit muna siya at nagpatawa na para bang bata.
"Pumasok ka na nga," natatawang sabi ko sa kaniya hababg nakatitig sa mukha niya sa cellphone.
"Opo! Papasok na! Mamaya nalang ulit!" Nagtawanan muna kami bago niya pinatay ang call. Nakangiti akong nag ayos ng gamit bago ako naglakad palabas ng condo ko.
November two ngayon kaya naman kahapon imbes na malungkot, pinatawa niya ako nang pinatawa hanggang sa parehas na sumakit ang tyan namin sa kakatawa. It's like he's my medicine. He became my comfort whenever I'm sad and feeling lonely.
Habang tumatagal, hindi ko na maiahon ang sarili ko sa pagkakahulog. Inaamin kong may nararamdaman na ako para sa kaniya, pero sadyang matigas ako at hindi ko pa maamin.
I think, kailangan ko ng lakas ng loob.
Nasakay kaagad ako ng bus, kaya naman nagmuni-muni muna ako roon habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Dove?" Rinig kong tawag sakin ng sino man. Lumingon ako sa tumawag sakin at napansin ang lalaking pamilyar sakin. Lumipat siya sa unahan kong upuan at iniharap ang buong katawan sakin habang nakaupo roon.
"Ivan? Huy!" Bati ko sa kaniya nang maalala ko siya. "Kamusta na?"
"Heto, busy kami ni Brix sa school. Pasukan na, eh," nakangiting sagot nya. Tumango-tango ako sa kaniya. "Ikaw, kamusta na? May boyfriend ka na ba?"
"Manliligaw, meron," nakangiting sagot ko sa kaniya, naaalala si Schian habang sinasabi iyon. Siguro kung naririnig niya ang sinasabi ko ngayon, baka kiligin siya.
Siya naman ang tumango-tango at maya maya ay biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Nag uusap pa ba kayo ni Brix?" Seryosong tanong niya. Napakunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtatanong niya.
"Ang huli naming pag uusap noong pandemic pa. Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala naman. Itatanong ko lang sana sayo kung may closure ba kayo, pero mukhang hindi mo na kailangan 'yon dahil mukhang masaya ka naman na sa manliligaw mo."
"Closure? Para saan pa? Hindi ko na talaga kailangan nyan at masyado na akong masaya para isipin pa iyan," seryosong sagot ko sa kaniya. Napalunok naman siya at napabuntong hininga.
"Hindi niya pa pala nasasabi sayo kung ganoon?" Tanong niya, dahilan para magtaka ako lalo.
"Ang alin ba? Ikaw nalang ang magsabi kung gusto mo."
"Ang sabi niya ay alam mo na."
"Ang alin na, Ivan?"
"Tungkol sa nangyari sa inyo noong grade eight pa kayo."
Bigla akong napaisip. Ano naman kayang kailangan kong malaman tungkol roon?
"Anong nangyari? Diretsuhin mo nalang ako, Ivan," pigil na inis na tanong ko sa kaniya.
"Tungkol sa classmate nyo na nagsabi sayo na maghiwalay na kayo," napabuntong hininga siya bago muling magsalita. "Alam kong hindi na mahalaga sayo na malaman pa ito, pero gusto kong sabihin sayo ang sinabi sakin ni Brix tungkol dyan."
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine