11

2 0 0
                                    

Marami ang nanligaw sakin kahit noong pandemic, pero ni isa sa kanila ay hindi ko binigyan ng pagkakataon.

May nanligaw rin sakin na bisexual, pero nireject ko rin.

Ganoon ko ngayon kamahal ang sarili ko. Binuo ko mag isa ang sarili ko, kaya naman hindi na ako papayag na durugin lang nila ulit ang pinaghirapan kong buuin.

"Kamusta ang first day of class?" Pagtatanong ko sa kaniya nang matapos ang klase nila. Wala pa akong klase dahil hindi ko pa rin alam kung saang section ako nailagay!

Ngumiti siya ng tipid at nag-stretching sa gaming chair niya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya habang nakaupo sa isang gaming chair niya. Bumili pa talaga siya para may maupuan ako tuwing tatambay ako rito sa kwarto niya.

"Ayos naman. Stress lang dahil alam mo naman sa STEM. Nakakabaliw ang strand na 'to!" Sagot niya, dahilan para mapangisi ako.

"Nagrereklamo ka sa strand mo, samantalang sinabi ko na sayo na magshift ka na ng strand. Ang kulit mo rin kasi," sermon ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin na para bang may nasabi akong masama.

"I told you, gusto ko talaga mag IT. I like computers and gadget. Hindi ako pwedeng mag HUMSS dahil nasa STEM talaga dapat ako," seryosong pagpapaliwanag niya. "Ikaw ba, bakit ka nagshift? Nandoon rin ba ang gusto mong course para sa college?"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sagutin ang tanong niya.

"The truth is, hindi ko pa alam kung anong course ang gusto ko. I also love computers, but I can't figured out yet what I really want course to take for college. Hindi pa buo ang isip ko."

Hindi ko pa talaga alam kung anong couse ang kukuhanin ko. Naguguluhan pa ako. Alam ko namang walang madaling kurso, pero kung IT ang kukuhanin kong course, walang thrill dahil gamay na ko iyon.

Simula kasi ng grade seven ako, palagi kaming pinagti-take ng test tungkol sa computer. And guess what, lagi akong nakakapasa. Iba't ibang kilalang schools and universities ang gustong kumuha sakin, pero ako, hindi ako sigurado kaya naman nirereject ko lang.

Ayokong pumayag sa ganoon tapos sa huli ay ako rin naman ang mahihirapan. Hindi sa pagmamayabang, pero matalino naman ako. I'm not the best in English for nothing. I also like thrills in everything. Gusto ko ma-challenge ang sarili ko.

"Alam mo... sa ating dalawa... ikaw ang palaging nakakapasa sa mga test about computer from different schools. Hindi naman kita nakikitang gumagamit ng computer. Minsan nga gusto ko nalang kuhanin ang utak mo at ilipat sakin. Masyado kang matalino," pambobola niya pa. Napairap nalang ako at napasulyap sa modules niya.

"Patingin nga," nakangiting sabi ko sa kaniya bago ko basahin ang mga modules nila. Ang totoo nyan, naisip ko rin na sa STEM nalang lumipat, pero kagaya nga ng sabi ko, hindi pa ako sigurado sa kukuhanin kong course para sa college.

Nang maintindihan ko ang lesson nila, saktong nagsend ang teacher nila ng gagawin, kaya naman naisip kong subukang sagutan. Hinayaan lang ako ni CJ at matapos ang thirty minutes, natapos ko nang sagutan ang lahat ng mga activities na kakasend lang ng teacher niya.

"Talino mo talaga! Pahiram naman ng utak mo!" Aniya nang sumandal ako sa gaming chair at napapailing nalang sa kaniya.

"Bolera ka talaga! Balik na ako sa kwarto ko at magfocus ka dyan sa online class mo. Pupunta pa akong school para icheck kung nakalista na ba ang pangalan ko sa listahan ng mga nag-enroll." Tumayo na ako at naglakad na palabas ng pinto ng kwarto niya.

"Alright! Ingat ka! Salamat ulit!" Rinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makalabas ng kwarto niya.

Malapit na akong umalis rito sa bahay nila. Inaasikaso ko na ang condo na lilipatan ko. Bumili na rin ako ng mga gamit ko para sa lilipatan ko. Kailangan munang kumpletuhin ko ang mga gamit bago ako lumipat doon. Hindi naman ako nagmamadali.

My DaylightWhere stories live. Discover now