4

2 0 0
                                    

Hindi ako humiling ng sobra, pero hindi ko mapigilang maging masaya!

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Brix, nagsimula na ang lahat. Nagsimula na kaming magchat gabi gabi kahit na sa personal ay simpleng ngiti at tanguan lang kami. Hindi namin ipinahalata sa mga kaklase namin ang tungkol sa amin, pero hindi lingid sa kaalaman nila na crush ko si Brix. Hanggang sa lumipas ang halos dalawang buwan na panliligaw niya sakin.

Kahit sina CJ at Coleen ay walang kaalam alam sa nangyayari. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Brix dahil baka maudlot.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero biglang umamin sakin si Brix na gusto nya ako. Hindi pa ako makapaniwala noong una, pero hindi ko maitatanggi na sobrang saya ko dahil sa pag amin ni Brix.

Sa tuwing nagkikita kami sa room, hindi ko siya nilalapitan dahil ayokong mahalata ng mga kaibigan ko ang biglang pagiging close namin.

"Cleaners, ang mga kurtina, ah. Pakilinis mabuti ang room nyo," bilin sa amin ni Ma'am bago siya naunang umalis ng room.

Dahil kami ang cleaners ngayon, naging abala kami sa paglilinis ng bawat sulok ng room namin. Ang iba ay nagwawalis, habang kami naman ay magpapalit ng kurtina.

Sabay kami ni Sandara na lumabas ng room para kumuha sa stock room ng kurtina. Habang naglalakad, nag uusap kami.

"Kamusta na kayo ni Brix?" Pagtatanong nya, dahilan para mapakunot ang noo ko nang tignan ko siya.

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.  Nang aasar siyang ngumiti sakin nang magsalubong ang mga mata namin.

"Syempre malakas ang source ko sa room," simpleng sabi niya na para bang ganoon lang nya kadaling nakuha ang impormasyon na nalaman. "Ikaw, ah! Hindi ka nagsasabi na nililigawan ka na pala."

Nag init naman ang magkabilang pisngi ko at napalunok sa kaba at hiya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Mabait 'yon si Brix. Kita mo naman, nonchalant nga lang, pero mabuti siyang tao. Marami ngang nagkakagusto sa kaniya, pero nagtataka kami ni Arvin kung bakit nya nirereject. Magaganda naman, pero sabi niya pass daw siya. 'Yun pala, sayo naka all the way."

Napailing nalang ako habang itinatago ang ngiti. Nang makuha na namin ang kurtina na kailangan namin, bumalik na kami kaagad sa room at pagpasok palang namin, nagtama kaagad ang mga mata namin ni Brix.

Napuno ng asaran ang room namin nang mapansin nila ang pagtititigan namin ni Brix. Nag iwas ako ng tingin at pumasok na sa loob. Inilapag ko ang kurtina sa teacher's table at pinwesto ang isang arm chair sa bintana para sumampa roon.

Akmang sasampa palang ako roon pagkakuha ng isang kurtina sa lamesa nang magsalita si Brix.

"Mahulog ka," seryosong aniya. Pakiramdam ko biglang nawala sa isip ko ng dahilan ng pag akyat ko dahil sa tinig nya.

"Nahulog na siya sayo!" Kantyaw ng mga kaklase namin. Nag iwas ako ng tingin at tuluyan ng sumampa sa silya.

Maingat kong itinaas ang kamay ko para abutin ang sabitan ng kurtina. Nang makuha ko iyon, maingat kong inalis  iyon at pinalitan ng bago.

"Ayiee! Nakaalalay si Brix sa arm chair! Caring boyfriend 'yan?" Nang aasar na ani pa nila. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa kilig na gustong kumawala sakin.

Inisa-isa ko ang mga bintana habang ang iba naman ay nasa kabilang side ng bintana at tinutulungan ako sa pagtatanggal at pagpapalit ng bagong kurtina.

Nang matapos, nagwalis ulit kami at nag floorwax. Sinabi nila na ang mga babae ay pwede nang lumabas, kaya naman tumambay muna kami sa labas dahil wala pa ang may dala ng susi na magsasara ng room namin.

My DaylightWhere stories live. Discover now