Sa mga lumipas na ilang buwan na pagsulyap sulyap ko, isang araw hindi ko akalain na magchachat sakin si Brix.
Brix Jayver Masa:
Hi.
Agad kumabog ang puso ko. Sa bilis ng tibok non ay para akong hihimatayin. Shit! Nagchat siya!
Napalunok ako at agad nakabawi. Nagtype ako ng reply ko habang hindi mapigilang mapangiti dahil sa hindi maitagong saya.
Dove Sanctuary:
Uy! Hello!
Napapalunok pa ako nang isend ko iyon sa kaniya. Hindi naman kasi kami nag uusap ni Brix kahit sa socmed. Madalas ay hindi naman ako active dahil mas abala ako sa pag aaral.
Mas mahalaga sa akin ang pag aaral, pero kung tungkol kay crush, aba go na 'yan!
Napakagat pa ako ng ibabang labi nang mabasa ang chat nya.
Brix Jayver Masa:
Free ka ba sa Monday?
Bukas? Anong gagawin namin bukas, eh may pasok na kami?
Dove Sanctuary:
Oo naman! May pasok tayo, diba? Kaya papasok ako, bakit?
Pinaglaruan ko ang daliri ko sa ilalim ng cellphone ko habang naghihintay sa reply nya.
Brix Jayver Masa:
Wala naman. May nagsabi kasi sakin na crush mo raw ako. Totoo ba 'yon?
Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko. Nasa bahay ako ngayon dahil wala kaming pasok. Kakatapos lang din namin magsimba, kaya talagang grabeng blessings kaagad ang natatanggao ko ngayon!
May nagsabi sa kaniya na crush ko siya? Fuck it! Sino naman?
Dove Sanctuary:
Oo. Wala naman akong balak itanggi na crush kita, pero nakakahiya!
Napasapo pa ako sa noo ko dahil sa labis na kaba ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa kaba at saya!
Pero naramdaman ko nalang ang pamumula ng pisngi at tenga ko nang mabasa ang reply nya.
Brix Jayver Masa:
Cute mo.
Kinuha ko pa ang unan sa kamang kinauupuan ko at hinampas iyon sa kilig. Tangina! Ang cute ko raw!
Hindi na ako nakapagreply dahil bigla akong tinawag ni CJ para kumain ng tanghalian. Pinigilan ko pang mapangiti para hindi niya mahalata ang kilig ko.
Nakaupo na kami ngayon sa mahabang lamesa at katabi ko ngayon si CJ na tahimik lang na nagsasandok na ulam.
"How's your studies, Dove?" Masuyong tsnong ni Tita Skye habang nakatitig sakin at kumakain, dahilan para sumeryoso ako.
"Ayos lang naman po, Tita. Matataas po ang grades ko," magalang na sagot ko sa Mama ni CJ. Sunod naman nyang sinulyapan ang anak na tahimik lang na kumakain.
"Ikaw, CJ? Nag aaral ka bang mabuti? Sana naman ay oo! Pinapag aral ka namin! Ayusin mo ang bawat perang sinasayang namin sa pagpapaaral sayo! Baka mamaya, puro landi lang ang inaatupag mo! Sinasabi ko sayo, ipapahiya kita!" Aniya kay CJ.
Wala naman imik si CJ habang patuloy parin sa pagkain. Ako ang nasasaktan para sa kaniya, lalo na kapag ginaganito siya ng sarili nyang ina.
Pakiramdam ko, bumalik sa isip ko ang mga nangyari noong bata pa ako. Panahong pinapalayas ako ni Mama sa bahay namin, yung mga pag aaway nila ni Papa, ang mga murahan at sigawan nila.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine