Pagkatapos ng nangyari, walang naglakas loob na magtanong sakin kung anong nangyari sa amin ni Brix.
Naging abala nalang ako para sa nalalapit na foundation day. Dahil may kaibigan ako sa kabilang section na nag oorganize ng mga booth, nagsabi akong tutulong nalang ako sa kanila para may ambag ako at para na rin idistract ang sarili ko.
"Salamat talaga, ah. Wala kasi akong mahingian ng tulong tungkol dito," sabi ni Jeff, kaibigan ko simula noong elemetary. Classmate ko siya noong grade one, kaya naman hanggang ngayon ay talagang isa siya sa mga naging kaibigan ko na lalaki.
"Naku, ayos lang 'yon! Oo nga pala, si Laycie at si Shacy, nasaan?" pagtatanong ko sa kaniya. Si Laycie at Shacy naman ay kaklase rin namin ni Jeff. Sa anim na taon namin sa elementary, magkaklase kaming apat. Napagkamalan pa kami ni jeff dati na magkasintahan dahil palagi kaming magkasama.
"Nasa room sila. Sila ang naka assign na mag ayos ng room ngayon. Ikaw ba, kamusta na?" Pagtatanong nya habang nakaupo kami sa stage. Kasalukuyan kaming nag aayos ng mga gagamitin para sa booth.
Tipid akong ngumiti sa kaniya habang naggugupit ng papel. Hindi ko alam kung anong gagawin nila rito.
"Ayos naman. Eto, busy sa pag aaral. Alam mo naman ako, tutok sa pag aaral," nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung ganoon. Maganda 'yan. Mag aral kang mabuti," pagsang ayon niya, dahilan para makaramdam ako ng saya. Ngayon ko mas napagtanto na walang masama sa ginagawa ko. "Oo nga pala, may boyfriend ka na ba?"
Bahagya akong natawa at agad na umiling bilang sagot. "Naku, wala! Single na single ako!"
"Talaga? Pero may mga nanliligaw sayo?" Curious na tanong niya sakin.
"Meron, pero tapos na 'yon! 'Wag na nating pag usapan," natatawang sabi ko sa kaniya. Tumayo na ako dhail nangangalay na ang binti ko sa pag indian sit sa sahig. Kumukulo na rin ang tiyan ko sa gutom.
"Oh, bakit? Aalis ka na?" Takang tanong niya nang mapansin niya na tumayo na ako. Nagstretching pa muna ako ng binti at braso ko.
"Gutom na ako," nakangusong sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya at tumayo na rin.
"Tara, canteen tayo. At dahil tinulungan mo ako, libre na kita," nakangiting ani niya sakin, dahilan para kumislap ang mga mata ko sa saya.
"Talaga?! Sabi mo 'yan, ah!" Masayang sabi ko. Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko.
"Pero, aayusin ko muna ito. Mauna ka na bumaba ng stage. Hintayin mo nalang ako." Tumango ako at nauna sa pagbaba ng stage. Inisip ko pa muna kung anong pwede kong makain, pero sa dami ng nasa isip ko, napakagat ako sa pang ibabang labi ko.
Dahil sa labis na pag iisip, hindi ko namalayan na sa isang hakbang ko ay natalisod ako. Nadulas ako dahil sa tubig roon. Muntik na akong madulas. Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig, pero naramdaman ko nalang ang isang matikas na braso na nakapulupot sa bewang ko, mukhang may sumalo sakin.
Nang magmulat ako ng mga mata ko, nagtama ang mata namin ng lalaking sumalo sakin. Natigilan ako sa ganda ng kulay brown niyang mga mata. Para itong nangungusap sakin kahit na seryoso lang itong nakatitig sakin. Mestizo siya at ang ganda ng pagkakagupit ng buhok. Mamula-mula ang pisngi niya dahil siguro sa init ng sinag ng araw.
"Dove? What happened?" Rinig kong tanong ni Jeff, dahilan para matauhan ako.
Napakurap ako nang marealize ang posisyon namin. Dahan dahan akong umalis sa pagkakasalo niya sakin at pinagpagan ang sarili.
I cleared my throat and looked away. Ang lalaki naman na sumalo sakin ay pinagpagan rin ang damit na nagusot dahil sa pagkakasalo sakin.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagtitig sa kaniya kanina. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang suriin ang kabuuan ng lalaki.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine