24

4 1 0
                                    

Two months passed at habang tumatagal, mas lumalalim ang pagmamahalan at relasyon namin ni Schian.

We simply celebrated my birthday and had dinner. We took a picture and he also took a picture of me. Tinuruan nya pa akong magpose, kaya naman ginawa ko ang makakaya ko dahil nag eeffort siyang ilabas ang confidence ko.

His simple gestures made me fall for him even more.  But even after all of that, I couldn’t help but overthink things.

Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noon sa nakaraan ko. It’s about a three month thing.

Tuwing three months kasi, iniiwan ako. Nitong nakaraang buwan ko lang napagtanto na hindi ko naman pala sila boyfriend. They were my M.U’s. Akala ko kasi kapag boyfriend, kahit walang clarification na nililigawan ka ay nililigawan ka na talaga.

I just simply assumed things!

Sabado ng gabi at hindi ko maiwasang mag overthink. Malapit na kaming mag-tatlong buwan, kaya naman hindi ko maiwasang mag overthink… na baka maulit ang nakaraan.

I’m joking around tungkol sa dating ka M.U ni Schian. It was Sandy.

Totoong maganda siya, mabait at may pagka-kwela rin. Wala naman siyang ginagawa na kung ano para magselos ako, pero dahil sa nangyari noon sa nakaraan ko, hindi ko maiwasang mag overthink.

Alam ko namang magkaibang tao sila Dagger at Schian, pero hindi ko parin maiwasang mag overthink.

Magkachat kami ni Schian habang pinag uusapan namin ang nararamdaman ko… ang takot na nararamdaman kong baka maulit na naman ang nakaraan.

Dove Sanctuary:

Sorry Philo nakaka overthink lang kasi e

Sumobra yata ang pag ooverthink ko, kaya naman ang pagbibiro ko tungkol sa kanila ni Sandy ay nasagad ko na hanggang sa naramdaman kong hindi niya nagustuhan ang pagbibiro ko.

Schian Klein Pelagio:

Kala koba always think positive

Naiintindihan naman kita kase may trauma kana sa ganyan e

Dove Sanctuary:

Oo nga kaso ayon nga

Schian Klein Pelagio:

Pero tignan mo tayong dalawa magtatatlong buwan na

Wag kana magisip ng mga ganong bagay

Ikakasira mo yan sige ka

Pati rin ako maaapektuhan

Wala kang dapat ikasorry naiintindihan kita ha

I bit my lower lip when guilt consumed me.

Dove Sanctuary:

Ayon nga e natatakot ako

Schian Klein Pelagio:

Bat ka naman matatakot kung lagi naman ako nandito para sayo

Dove Sanctuary:

Kasi nga baka biglang magbago

Schian Klein Pelagio:

Walang magbabago yome tatandaan mo yan

Usto ko lagi lang tayong ganito habang buhay

Dove Sanctuary:

Yon din naman gusto ko Philo

Kaya lang di ko lang maiwasan mag isip minsan

Ang dami dami dyang babae na walang trauma na di ka bibigyan ng problema

Schian Klein Pelagio:

Yome isipin mo nga kung natatakot ka isipin mo kung pano tayo nagsimula

My DaylightWhere stories live. Discover now