"Waiting for someone?"
Humarap ako sa likod ko at nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakauniform siya habang nakasabit ang strap ng bag niya sa kaniyang balikat.
"U-Uyy! Kanina ka pa nandyan?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Humakbang siya palapit sakin at nag iwan ng konting space para sa amin.
"Ang aga mo yatang pumasok. Hinihintay mo ako?" Seryosong tanong niya. Natulala ako sa kaniya dahil ngayon ko lang siya pinagmasdan ng ganito kalapit. "Hey," marahan na pagtawag niya sakin. Napakurap naman ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
"Uh.. ano nga ulit 'yon?" pagtatanong ko sa kaniya. Napailing nalang siya at tinapik ako sa balikat, dahilan para manigas ang katawan ko.
"Relax. I'm here. Ako lang 'to," aniya bago niya ako lagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin at nang hindi makatiis, mabilis akong naglakad palapit sa kaniya.
"Where are you going?" Takang tanong ko sa kaniya nang medyo makalapit ako sa kaniya.
"Mukhang hindi ka nga nakinig kahapon," aniya, dahilan para makaramdam ako ng hiya. Tangina! Ang sarap lumubog sa lupa!
Napansin ko na papunta kami sa Hall kung saan nagaganap ang mga formal events ng school. Ginagamit rin ito ng mga senior highschool para sa mga events at mga play na nagaganap.
Tahimik kaming umakyat sa hagdan paakyat at napansin ko ang mga estudyante na nakaupo sa mga monoblock habang nagsa-sample sa unahan. Ano 'to?
"Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Hindi siya nag abalang sulyapan ako dahil nakatuon ang atensyon niya sa mga estudyanteng kumakanta isa isa sa harap ng mga teachers.
"Ikaw ang napili kong pambato ng section Diamond." Halos matigilan ako sa narinig ko sa kaniya. Alam kong crush ko siya, pero I will not hesitate na iuncrush siya dahil sa ginagawa niya ngayon. I'm not used getting attention!
"Ayoko. Magagalit ako sayo kapag pinilit mo akong sumali rito," banta ko sa kaniya. Napailing naman siya at inayos ang strap ng bag sa balikat niya.
"I know you're introvert, pero kahit papaano mailalabas ang talent mo rito. I've heard you singing many times, kaya alam ko ang ginagawa ko, Dove," seryosong aniya at sinulyapan ako. This time, mas lamang ang kaba ko sa gagwin kaysa sa pagtitig niya sakin. "I'm here. Susuportahan kita. Kung iniisip mo ang mga taong nandito, just close your eyes and just think na ikaw lang ang mag isang kumakanta para hindi ka mahiya."
Napalunok naman ako at sinubukan ang mga sinabi niya, pero dahil hindi talaga ako sanay sa ganitong mga bagay, sa isip ko ay gusto kong tumanggi.
"Hindi ko kaya. Baka mapahiya lang ako rito," kinakabahan talagang sabi ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin habang ako ay napapabuga na ng hangin sa kaba.
"Mag isip ka ng inspirasyon. Makakatulong 'yon para lumakas ang loob mo," seryosong aniya bago ilahad ang kamay niya at taka ko naman iyon na tinignan. "Your bag. Give it to me. Ikaw na ang susunod dahil patapos na sila."
Nahihiya man ay ibinigay ko ang bag ko sa kaniya at naglakad na kami palapit. Naupo kami sa dulo habang naghihintay na matapos sa pagkanta ang pangalawa sa huli na estudyante.
Nang matapos na ang babae, napabuga ako ng hangin at para bang kumakaripas ng takbo ang puso ko.
"Section Diamond," pagtawag ng teacher sa unahan. Napatingin pa muna ako kay Brix na tumango lang sakin bago ako tumayo at naglakas loob na nagpunta sa unahan.
Nangangatal ang tuhod ko dahil sa kaba, kaya naman nang abutin ko ang mic, halos maramdaman ko ang kabang hindi ko mapangalanan. I really hate this kind of event. Mahilig akong umattend, pero hindi ako sanay na ako ang pinapanood.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine