Isa sa kasama kapag nagmamahal ka ay ang pagtitiwala.
I guess, dahil sa tindi ng trauma ko dahil sa nakaraan, nahihirapan akong magtiwala. Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Pakiramdam ko, nagiging unfair ako.
Late na akong nakatulog dahil sa tagal naming magka chat ni Yohan kagabi. Nagbilin pa siya na mag first move ako kay Schian at batiin siya sa umaga ng goodmorning, kaya naman muling nasubok ang pagiging introvert ko.
Hindi ko alam kung paano magsisimula. Alas-syete na ako nagising ng umaga dahil naalimpungatan ako. May pasok ngayon dahil martes palang ngayon.
Kinakabahan pa ako habang nag iisip kung dapat ko nga bang mag first move kay Schian dahil kung sakali, ngayon ko lang ito gagawin!
Kaya naman, lumabas na ako ng kwarto habang hawak ang cellphone ko. Hinanap ko ang messengee na app at pinindot roon ang convo namin ni Schian.
My cheeks automatically heated when I read the convo that we had last night. Ala una na kami nakatulog dahil ilang beses siyang nagpaalam sakin na matutulog na siya, pero chat parin nang chat.
Sa October fourteen, pupunta kami sa campus para magtanim. Kailangang pumunta ng lahat, kaya naman kinakabahan ako dahil magkikita na kami sa unang pagkakataon!
Pikit-mata akong nagtype ng message kay Schian. Sana naman ay hindi ako asarin nito at malakas pa namang mang alaska ang lalaking 'to!
Dove Sanctuary:
Good morning
Offline pa siya dahil mukhang tulog pa. Mamaya-maya pa naman ang klase at siguro naman ay may alarm siya para hindi siya malate sa pagpasok sa online class.
Ibinaba ko na ang cellphone ko sa malambot na couch sa sala bago magtungo sa kusina para magluto. Saktong gutom na ako, kaya naman kailangan ko ng bilisan sa pagluluto dahil anemic ako. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom dahil nanghihina ako at nahihimatay pa nga.
Ako lang ang mag isa dito sa condo ko, kaya wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Walang ibang sumusuporta sa akin kundi ang sarili ko.
Lumipas ang oras at nakakain na rin ako. Tumambay lang ako sa sala dahil wala naman akong ibang gagawin. Ngayon ko lang napagtanto na biyernes ngayon at wala kaming pasok.
Makakalimutin talaga ako!
Ten am na nang biglang tumunog ang cellphone sa tabi ko habang nagbabasa ako ng libro. Nilagyan ko ng palatandaan ang libro ko at kinuha ang cellphone ko pagkalapag ko ng libro sa kabilang gilid ko.
Nakaramdam ako ng hiya nang mabasa na si Schian ang nag message! Mukhang kakagising niya lang rin dahil ngayon lang siya nagreply.
Schian Klein Pelagio:
Mga di daw nag firstmove e ano kaya tong good morning na to
HAHAHAHAHAHA
Good morning din HAHAHAHA
Dove Sanctuary:
Dapat masanay na ko remember?
Schian Klein Pelagio:
Ganun ba sigi sigi HAHAHAHA
Hindi kaagad ako nakapag reply dahil nag init ang dalawang pisngi ko nang maalala ang sinabi niya kagabi sa chat namin.
Sabi niya raw sa sarili niya dati na may makikilala na siya sa face-to-face class, pero online palang raw ay may nakatagpo na siya. Hindi ko alam kung nang aasar lang siya, pero pakiramdam ko hindi siya nagbibiro.
Schian Klein Pelagio:
Oh siya HAHAHAHA maya nalang ulit kagigising ko lang e mag aalmusal pa ako
Luluto pa ako hatdug
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine