Prologue

6 1 0
                                    

Kakatapos lang ng discussion namin sa math subject kasama si Sir James, ang teacher namin roon.

"Si Dove... push na push mag aral. Nandito kasi sa room yung crush nya," pang aasar sakin ni CJ.

Grade eight student na kami ngayon. At hindi ko itatanggi na may nagugustuhan ako sa section namin.

Agad akong namula dahil sa kilig. Ayoko pa naman na tinutukso nila ako dahil ayokong maturn off sakin yung crush ko. Tsaka isa pa, nakakahiya!

Tinulak naman ako ni Coleen sa balikat, isa sa mga kaibigan namin ni Dove.

"Umamin ka na kasi. Wala ngang nagkakagusto sa kaniya, kaya wala kang kaagaw. Bakit ba ayaw mo pa umamin?" Tanong ni Coleen sakin.

Tatlong buwan ko nang gusto si Brix, ang crush ko rito sa room na classmate ko rin. Brix Jayver Masa, ang isa sa pinakamatalino sa section namin.

Crush ko siya dahil sa sipag, talino at dahil imposible siyang maabot. Masyadong nancholant! Bihira ko lang rin siya makausap dahil palaginh nasa libro ang atensyon!

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig na naman sa kaniya. Mabuti nalang at nasa kabilang linya kami nakaupo habanh siya ay nasa gitna. Bali, tatlong lines ang pagkakahati ng mga upuan namin.

"Ayoko mareject, 'no! Tanaw tanaw nalang muna!" Paangil kong sagot sa kanila dahil hindi ako makapagfocus sa pagtitig sa lalaking gusto ko.

Pero kaagad akong nag iwas ng tingin nang mapalingon siya sa gawi namin. Para akong tanga na nakitawa sa mga kaibigan ko, pero sa loob ko ay mabilis na ang tibok ng puso ko! Tangina! Kinabahan ako roon, ah!

Kaya naman bago pa ako tuluyang mahuli sa paligaw ligaw tingin ko sa kaniya, niyaya kong lumabas ang dalawa kong kaibigan dahil wala naman kaming teacher sa science dahil absent ito.

Niyaya ko sila sa canteen sa junior high, kaya naman habang naglalakad pinag uusapan parin namin si Brix. 

"Ganoon ang gusto ko sa lalaki. 'Yung nakafocus sa pag aaral at hindi yung may bisyo!" Ani ni Coleen. "Maganda ang choice ni Dove, ah! Talagang gusto ang book worm!" 

"Ganoon rin kasi siya. Naku! Noong nakaraan nga, may mga nagbebenta ng libro rito, aba ayun siya ang kauna-unahang pumila! Lahat nga ng klase ng libro, gustong gusto niya!" Pagkukwento naman ni CJ. Natawa nalang si Coleen sa kaniya habang ako ay napapailing nalang dahil sa mga pinag uusapan nila. 

Matagal na ng magsimula ang klase, pero ni minsan hindi ko nakausap si Brix. Para bang may sarili siyang mundo. Minsan ay gusto ko nalang na nasa tabi niya at tignan ang ginagawa nya.

Minsan, hinihiling ko na sana nasa akin naman ang atensyon nya. Para kasing ang mahal ng atensyon nya.

Inakbayan naman ako ni Dove habang si Coleen naman ay tinapik ako sa balikat. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kung ano anong naiisip ko. 

"Mahirap talagang makuha ang taong hindi naman interesado sayo," seryosong payo ni CJ. "Huwag mong dibdibin. May likod ka pa," pagbibiro niya, kaya naman binatukan ko siya. Natawa nalang silang dalawa bago kami natahimik muli dahil nakapasok na kami sa loob ng canteen. 

"Ikain mo nalang 'yan, Dove. Anong gusto mo? Libre kita!" Alok ni Coleen. Tipid naman akong napangiti at naghanap ng pwedeng makain. Nang makakita ng empanada, agad akong kumuha ng isa at ibinigay iyon kay Coleen. 

"Ito naman! Hawakan mo na 'yan! Gagang 'to!" Asik naman ni CJ, dahilan para pandilatan ko siya ng mata, pero agad akong umayos ng pagkakatayo nang makita ko si Brix kasama ang kaibigan niyang si Arvin. 

Napansin naman ng mga kaibigan ko ang ginawa ko, dahilan para lumingon sila sa likod nila kung saan ko ngayon tinitignan ang lalaki. 

"Gago! Umayos ka! Nandito si Brix!" Sabi nila sakin bago ako tumalikod sa gawi ni Brix at dumiretso na kami sa counter para magbayad ng binili. Kumuha pa ako ng isang turon dahil paborito ko rin iyon. 

"Kaya ka hindi napapansin ni Brix, eh! Ang takaw mo!" Panglalait naman ni CJ, dahilan para samaan ko siya ng tingin. 

"Bunganga mo! Marinig ka nila Brix! Tara na at papunta na sila dito," pag aaya ko sa kanila, pero ang dalawa, hindi gumalaw! "Ano ba? Galaw na sabi! Tara na!"

"Brix! Bibili kayo?" Napapikit ako sa inis dahil sa pagtawag ni Coleen sa lalaking kanina ko pa iniiwasan. 

"Oo, kayo? Nakabili na ba kayo?" Rinig kong tanong ni Arvin.

"Ah, oo. Kakabili lang namin," si CJ naman ang sumagot.

"Si Dove ba 'yan? Bakit hindi humaharap?" Nagtatakang tanong ni Arvin sa dalawa kong mga kaibigan. Mas lalo akong napapikit ng mariin dahil sa kaba.

"Naku, shy type! May iniiwasan yata, eh!" Walang filter na sabi ni Coleen. Wala akong choice kundi humarap sa kanila at napansin ang seryosong mukha ni Brix.

"Sinong iniiwasan mo, Dove? May crush ka ba rito o baka kaaway?" Pagtatanong sakin ni Arvin. Napalunok naman ako, pero agad tumikhin nang magtama ang mga mata namin ni Brix.

"Uh.. wala naman! Mainit lang kasi rito sa canteen, kaya gusto ko nang bumalik sa room," pagpapalusot ko.

Tumango tango naman si Arvin, naniniwala sa palusot ko. Sa isip ko ay minumura ko ang dalawang bruha na kasama ko ngayon.

"Sige na, mauuna na kami! Nakabili na kami ng pagkain, eh! Sa room nalang!" Agad kong hinatak ang dalawa paalis.

Nang makalayo na sa canteen kung nasaan sila Brix, doon ko lang sila binitawan. Hingal na hingal naman akong napahawak sa tuhod ko dahil sa pagod. 

"Nilalayuan pa kasi. Hindi ka naman pinapansin," pangri-realtalk naman ni CJ sakin, dahilan para masaktan ako, pero hindi ko nalang ipinahalata. 

"Tara na, ang init init. Wala pa tayong dalang payong," pagyayaya ni Coleen sa amin. Naglakad na kami pabalik ng room at tumambay muna sa may labas ng room. Sa second floor ang room namin, kaya sasakit muna ang tuhod namin bago makaakyat. Mabigat pa naman ang mga bag na dala namin!

Huminga ako ng malalim habang nakatitig ako sa paligid. Maraming estudyante ang naglalakad sa field dahil malapit na ang recess at ang iba rin ay walang mga teacher. 

"Dove, maupo ka na muna. Kainin mo na 'yan at 'wag mo na hintayin 'yon. May chicks na 'yon na nakilala sa canteen. Paniguradong nagtatawanan na sila habang naglalakad. Baka nga-" Hindi na natuloy ni Coleen ang sinasabi nya nang lingunin ko siya at pandilatan ng mata.

Naupo nalang ako dahil may pabilog na lamesa at upuan rito sa labas ng room namin para dito kami tumambay. Inilapag ko sa lamesa ang empanada at turon na binili sakin ni Coleen.

May pera naman ako, pero dahil libre, mas masarap kumain.

"Nga pala, may naisip na ba kayo para sa essay natin sa English kay Ma'am Espinosa?" Biglang pagtatanong ni CJ sa amin ni Coleen.

Kinain ko na ang turon habang tahimik na nakikinig sa kanila.

"Yes, pero hindi ko pa nasisimulan. One thousand words lang naman 'yon. Basic lang!" Sagot naman ni Coleen. Bago siya bumaling ng tingin sakin. "Ikaw, Dove? May nagawa ka na?"

Nginuya ko ang kain ko at nang malunok iyon, saka ako nagsalita.

"Kakatapos ko lang gawin. Noong sinabi palang sa atin ang title ng essay na gagawin natin, nakaisip na kaagad ako ng title," sagot ko sa kaniya.

Napangiti naman si Coleen, habang matunog naman ngumisi si CJ.

"Matalino si Dove pagdating sa essay. Siya ang pambato natin sa essay, pero sa math, alam na," nakangising pang aalaska na naman ni CJ, dahilan para mag init ang dalawang pisngi ko at ang tenga ko. "Academic achiever ang dalawa! 'Yan ang sana all!"

"Kinikilig, oh! Pulang pula! Kamatis ka ba?" Natatawang pang aasar naman ni Coleen.

"Brix, yung math, ah! Pakopya!" Agad akong umayos ng pagkakaupo nang marinig ko ang tinig ni Arvin na tinawag si Brix. Shit!

"Girl, tara na. Nandyan na si Sir! Mamaya na ang delulu moments!" Ani nila sakin at hinintay akong tumayo bago kami sabay sabay na pumasok sa loob ng room namin.

Ganito kami araw araw. Makulit, pero puno ng asaran tungkol sa crush kong si Brix. Hindi ko nga alam kung alam nyang may gusto ako sa kaniya dahil wala naman siyang pakialam sa mga nasa paligid nya, pero mas mabuti nang ganoon kaysa naman magmukha lang akong tanga.

May sarili siyang mundo. At kahit ako, hindi pwedeng pumasok roon.

My DaylightWhere stories live. Discover now