Biro lang ang lahat ng nangyayari sa Gc, pero hindi ko akalain na sa isang iglap... nakaramdam ako ng takot at pag aalinlangan sa sarili ko sa hindi malamang dahilan.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong tinatanong ang sarili ko kung handa na ba akong pumasok ulit sa isang relasyon. Pagkatapos ng ilang taon na single ako, nag enjoy naman ako at talagang sobrang saya ko.
Ni hindi ko na nga maalala na nagmahal ako dahil sa sayang naidulot sa akin nang pinili kong piliin muna ang sarili ko.
Kabaligtaran ng middle name kong Pinili, palagi akong hindi pinipili ng mga taong mahal ko.
Kahit gabi na, buhay na buhay pa rin ang Gc namin. Hindi na naawat ang pang aasar sa amin ni Mar.
Schian Klein Pelagio:
Sample nga ng salitaan jan
Nagreply naman ako sa chat nya habang napapailing na nagtitipa ng irereply sa lalaki.
Dove Sanctuary:
Anong klaseng lambing ba?
Schian Klein Pelagio:
Ung sobrang lambing di na maalis sa isip
Nag isip naman ako ng sasabihin, pero dahil sa tagal ko nang walang karelasyon, hindi ko na alam kung paano maglambing.
Dove Sanctuary:
Mahal kita
Ayan ok na
Mar Amiorez:
Sweet na yun
Mas malambing pako
Gusto ko sanang barahin siya at sabihin na ‘eh ‘di ikaw ang maglambing sa kaniya!’ Masyadong desisyon ‘tong si Mar! Ang sarap kotongan minsan!
Schian Klein Pelagio:
Ang tigas naman kasing tigas ng bato
After ng mahal kita wala na yun na yun
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko para pigilang ang pagtawa ko. Kahit kailan talaga, napakajoker ng lalaking ‘to! Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito. Sana lang ay hindi ako pagselosan ng magiging girlfriend niya dahil mukhang masaya pa namang maging kaibigan ang lalaki.
Pero iyon ang akala ko. Halos ilang minuto pa ang nagtagal sa pagbibiruan sa Gc hanggang sa tila mag iba ang ihip ng hangin at maging seryoso na ang usapan.
Nagsend si Mar ng picture ng babae na may katabing aso sa loob ng kotse. Maganda ang babae. Pinipilit ni Mar si Schian sa babae, pero ayaw pumayag ng lalaki.
Schian Klein Pelagio:
Pass talaga
Mar Amiorez:
Meron ako dito
Ano ba type mo
Schian Klein Pelagio;
Si Dove
Natigilan ako at hindi nakaimik nang mabasa ang sagot ni Schian sa tanong ni Mar sa kaniya. A-Ako? Seryoso ba siya?
Schian Klein Pelagio:
Este
Puta naman
Mali mali
Tinawanan lang iyon ni Mar bago siya magreply kay Schian.
Mar Amiorez:
Sige reto kita
Schian Klein Pelagio:
Mali lang par paulit ng tanong
Mali lang par paulit ng tanong pls

YOU ARE READING
My Daylight
LosoweAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine