12

2 0 0
                                    

"What?!" Gulat na tanong ni Tita nang kausapin ko siya tungkol sa plano ko.

"Aalis na po ako. I'm bringing CJ with me, Tita," pag uulit ko ng sinabi ko. Sarkastiko siyang bumaling ng tingin sa anak.

"Saan ka kukuha ng pera? Hindi kita tutulungan! Umalis ka kung gusto mo, pero hindi ka makakatanggap ng pera mula sa pera ko!"

Hinarangan ko si CJ at ako ang humarap kay Tita.

"Ako pong bahala sa kaniya, Tita. Hindi nyo po siya kailangang intindihin dahil simula naman po ng bata pa siya, hindi nyo naman po siya iniintindi," seryosong sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata nya. Nandilim ang mga mata nya at dinuro ako.

"You! Pagkatapos kitang tanggapin sa bahay ko! Pagkatapos kong ibigay lahat ng kailangan mo kahit hindi naman kita kaano-ano! Ito ang matatanggap ko mula sayo?!" Hindi makapaniwalang panunumbat nya sakin.

"Call me whatever you want, Tita. Isumbat nyo lahat sakin ng ginawa nyo, sige lang. Pero kung gusto nyo po pala ng nirerespeto, matuto rin po sana kayong respetuhin ang anak nyo," matapang na anas ko sa kaniya. "Kung sa akin lang naman po, ayos lang po na ako ang ganyanin nyo dahil kagaya nga po ng sinabi nyo kanina, hindi nyo ako kaano-ano... pero si CJ po, hindi nyo po alam ang nararamdaman nya sa tuwing ginaganyan nyo siya. Para bang hindi nyo siya anak. Kung makapagsalita kayo, parang si CJ pa ang may kasalanan sa lahat ng bagay. Ni hindi ko manlang nakitang inalagaan nyo ang anak nyo sa tuwing nagkakasakit. Lagi nyong pinapaasikaso sa mga kasambahay ninyo. Pinapabayaan nyo siya. Ganyan po ba talaga kayong mga ina?"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. Bumaling ang ulo ko sa kaliwa sa lakas ng sampal niya sakin. Naramdaman ko ang sakit, pero hindi ako nagsalita.

"How dare you?! Anong karapatan mong kwestyunin ang pagiging ina ko?! Wala kang karapatan! Wala kang karapatang sumbatan ako sa mga bagay na hindi ko ginagawa! Wala kang alam!" Galit na sigaw nya sakin.

"M-Ma, tama na po..." mahinang ani ni CJ, dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko at tumingin ulit ako kay Tita.

"Isa ka pa! Wala kang kwenta! Bakit ba kasi naging anak kita?! Wala kang idinulot na maganda sa buhay namin! Sana tuluyan ka nalang nawala sakin nang pinapalaglag kita!" Sigaw nya kay CJ.

Napalingon ako kay CJ nang umalis siya sa likod ko at hinarap ang Mama nya. Nakatitig lang ako sa kaniya nang magsalita siya.

"Alam ko, Ma.... sawang sawa ka na sa mukha ko. 'Wag po kayong mag alala... aalis na po ako... wala nang pabigat sa inyo ni D-Daddy," nabasag ang tinig nya nang sabihin nya iyon. "Sorry po sa lahat, Ma... patawad... Hindi ko rin naman po ginustong nabuhay ako. Pero bakit parang ginusto kong mabuhay ako?"

Hindi nakapagsalita si Tita Skye. Tinitigan niya lang si CJ hanggang sa maglakad ito paalis paakyat sa hagdan. Mag aayos na siguro siya ng gamit para sa pag alis namin ngayon. 

Nang maglakad ako palapit kay Tita, huminga ako ng malalim dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Lumipat lang ang tingin niya sakin nang magsalita ako. 

"Salamat po sa lahat ng tulong na ibinigay nyo po sakin, Tita Skye. Malaki po talaga ang pasasalamat ko sainyo..." Napabuntong hininga muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. "...pero sana po isipin nyo rin po si CJ dahil anak nyo rin po siya. Hindi po siya kung sino man na hindi nyo kadugo. Ako po ang nanghimasok sa buhay nyo. Pasensya na po sa ilang taong abala ako sa buhay nyo. Pero nagpapasalamat parin po ako dahil nakilala ko po si CJ, ang anak nyo po." Nag bow ako bilang paggalang bago umakyat at iwanan siyang nakatayo roon. 

I started to packed my things nang makabalik ako sa kwarto ko. Tinupi ko ang lahat ng mga damit ko sa closet ko. Ang iba kong gamit ay inilagay ko sa handbag ko na may kalakihan rin. Mabuti nalang ay nagkasya ang mga iyon doon. 

My DaylightWhere stories live. Discover now