20

6 1 0
                                    

Ang plano kong pagpapakamatay ay nauwi sa paghagulgol dahil biglang tumunog ang cellphone ko at agad kong nakita kung sino ang tumatawag.

It's Schian.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone sa tabi ko habang nakaupo ako sa couch dito sa sala ng condo ko at sinagot ang tawag. Napapikit ako nang marinig ang boses niya.

His sweet and gentle voice.

"Hi, Yome. Busy ka ba?" Malambing na tanong niya sa kabilang linya.

Yome ang tawag nya sakin dahil ang meaning non sa english ay wife. Japanese lover kasi siya. Mahilig siyang manood ng mga anime.

Tumulo ang luha ko at nagmute muna dahil sa paghikbi ko. Ayokong malaman niya na umiiyak ako.

Nag unmute ako bago sagutin ang tanong niya. Pinasigla ko ang tinig ko para hindi niya malaman na umiiyak ako.

"Ayos lang! Heto at masaya!" Masiglang sagot ko sa kanya.

Narinig ko sa background ang tunog ng kutsara't tinidor, kaya naman sa tingin ko ay kumakain siya.

"Ayos ka lang ba? Kumain ka na ba?" Nahimigan ko ang seryosong tinig niya, dahilan para mapalunok ako sa kaba.

Bahagya akong natawa sa kaniya na para bang may joke siyang sinabi.

"Ano ka ba?! Ayos lang ako! Hindi pa ako kumakain, pero baka mamaya bago ako matulog. Ikaw ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Ito ang unang beses na sa convo namin siya tumawag. Nasanay kasi kaming sa Gc nagvi-video call.

"Kumakain ako ngayon," sagot niya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago muling magsalita. "Pinag aalala mo ako. 'Wag ka nang magpuyat ngayong gabi dahil alam kong pagod ka. Nakikita ko sa mata mong pagod ka."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na napapansin niya ang mata ko. Paulit-ulit ko kasing iniiwas sa kaniya ang mga mata ko sa tuwing titignan niya ako, pero sadyang hindi ako ganoon kagaling magtago dahil nababasa niya parin ang nararamdaman ko sa mga mata ko.

"Importante ka sakin, Yome. Sana ay makita ko ulit 'yung totoong saya mo," seryosong aniya. Napapalunok akong nakinig sa kaniya. "May problema ba? May maitutulong ba ako?"

Muli kong naramdaman ang pinaghalong bigat at sakit sa dibdib ko. Pinigilan kong mapaiyak dahil pakiramdam ko ay wala na akong mailuluha pa. Pagod na ako sa pag-iyak, pero ang puso ko ang umiiyak para sa akin.

"Nandito lang ako para sayo, hmm?" Sinserong aniya. Naramdaman ko iyon. Tagos iyon sa puso ko, at dahil sa kaniya ko lang iyon narinig bukod kay CJ na walang sawang pinapaalala sakin na hindi ako nag iisa, nandyan si Schian na handa akong samahan sa hirap at ginhawa.

Nag open cam siya, kaya nakita ko ang seryoso at nag aalalang mga mata niya. Ngumiti siya ng matamis, hindi nang aasar, naninigurado iyon na para bang sinasabi sakin na nandyan siya para sa akin.

"H-Hindi mo naman kailangang mag alala, Schian. A-Ayos lang ako."

"Anong hindi ko kailangang mag alala? Ano ako dito? Display lang ako? Mag aalala ako sa ayaw at sa gusto mo. Hindi mo ako mapipigilan," he said with finality in his voice.

Wala akong nagawa kundi hayaan siya. Ayoko lang naman na makadagdag sa problema niya dahil ayoko nang maging pabigat pa sa kahit na sino.

That night, he assured me again. Sinigurado niyang matutulog ako ng maaga. And he never failed to do that dahil habang magkausap kami, nagkwento lang siya hanggang maramdaman kong kusang pumikit ang mga mata ko. Dahil naka on ang camera ko, alam kong nakikita nya ako hanggang sa pagpikit ng mga mata ko dahil sa pagod at antok.

My DaylightWhere stories live. Discover now