17

2 0 0
                                    

Siguro nga may dahilan kung bakit hindi ko magawang ireject si Schian. I don’t know, but I feel like I can’t reject him in any way.

Nang dumating ang araw ng biyernes, October fourteen, alas nuwebe na ako nagising dahil as usual, napuyat na naman ako dahil kausap ko si Yohan nang magpaalam na si Schian na matutulog ng maaga dahil maaga raw siyang gigising kinabukasan.

Dove Sanctuary:

San ka na?

Schian Klein Pelagio:

Sa byahe na ako

HAHAHAHAHA

Traffic myghad

Bumangon na ako sa pagkakahiga sa kama at itinabi ang cellphone ko sa bedside table. Tumayo na ako at dumiretso sa shower room para maligo na at mag ayos… para pagkatapos kong mag ayos, diretso byahe na ako.

Hindi ako nag isip na bumili ng kotse dahil mas gusto kong mag biyahe. Minsan naman, hinihiram ko lang ang kotse ni Papa kapag tinatamad akong bumiyahe.

Nagsuot lang ako ng brown pants, crop top at red jacket. Sa paa ko naman ay nag black shoes lang ako. Ito lang kasi ang jacket na meron ako dahil hindi naman ako palabili. Masyado akong kuripot para gumastos ng gumastos para sa mga damit ko.

Hindi rin ako magaling sa fashion, kaya ngayon ko palang gustong subukan ang magterno terno at magbagay ng mga damit. Masyado akong kuripot para bumili ng para sa sarili ko.

Pagkatapos ng treinta minutos na pagligo at pag aayos, bumiyahe na ako papunta sa campus namin. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang lalaki.

Hindi ako sanay na mag make-up dahil una, hindi naman ako marunong at dahil makati sa mukha. Tuloy ay sanay akong natural na itsura ko ang ipinapakita ko kahit pumapasok ako sa school. Hindi rin ako naglalagay ng liptint dahil ayokong gumamit ng ganoon. Minsan naman ay nakalugay ako o kay naman ay nakaipit ang buhok ko kapag mainit o kapag trip ko.

Hindi ako kagaya ng ibang babae na todo ayos tuwing papasok sa school. Masyado akong walang pakialam kung husgahan nila ako dahil hindi naman ako pala-ayos ng sarili.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Yohan sakin sa chat niya noong unang pag uusap namin ni Schian. She forwarded a chat from Schian.

Yohan Villanueva:

Nagkakagusto ako sa mga simple lang at natuwa ako sa kanya nung patawa tawa lang siya nung nagpapractice kamu sa pr2

Doon na humubog loob ko e

Nag init ang puso ko dahil sa sinabi ni Schian. Ramdam kong hindi pagpapakilig ang intensyon nya sa kaniyang sinabi, kaya naman kahit papaano, naramdaman kong seryoso siya sa ginagawa nya.

Yohan Villanueva:

Ang cute mo daw kasi

Tawa ka nang tawa

Ganoon naman talaga ako. Dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat ng bagay kahit pa nasasaktan ako at hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganoon ang mangyari.

I can’t help but to compare myself with other girls. Hindi hamak na mas may dating sila kaysa sakin. Walang wala ako sa mga babaeng natural na maganda. Naiinsecure at nasasaktan ako dahil sa itsura ko.

Kaya hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako ang nakakuha ng interes ng lalaki. Wala naman kasing nakakainteres sa akin at sa pagkatao ko.

Walang laman ang buhay ko. Watak-watak ang pamilya namin, ibinenta ako ng biological mother ko, hindi ko kilala ang totoong mga magulang ko, dinala ako sa isang pamilya na hindi ko naman kilala, at ako? Walang kwenta ang buhay ko katulad ko.

My DaylightWhere stories live. Discover now