Nang makababa na kami ng tricycle, halos magdasal ako sa lahat ng santo.
Nasa tapat na kami ng isang simpleng bahay na may mga halaman sa harapan. May bike rin na nakapark roon.
“Tara na,” anyaya ni Schian nang makabayad na siya ng tricycle. Hindi niya ako hinayaang magbayad kahit na may pera naman ako.
Nauna na siya sa pagpasok sa loob. Nakasunod lang ako sa kanya. Nakabukas ang pintuan, kaya naman dire-diretso siya sa pagpasok.
Iginiya niya akong maupo sa couch na malapit sa pinto nila. Naupo kang ako roon habang siya ay nagpaalam na aakyat muna para magbihis.
Para akong batang naligaw dahil sa pwesto ko. I foldes my arms while waiting for him.
Pero nagulantang ang sistema ko nang mag unahan sa pagbaba ang tatlo niyang kapatid. Isang babae at dalawang lalaki.
Naupo sila sa couch na nasa bandang kaliwa ko.
“Anong pangalan mo?” Tanong ng babae.
“Dove po,” magalang na pagpapakilala ko sa kaniya. Matamis siyang ngumiti sakin, dahilan para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko.
Pero ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang tabihan ako ng ate ni Schian at itapat sakin ang cellphone niya.
“Picture tayo!” Masiglang aniya. Humarap ako sa camera at nahihiyang ngumiti. Nang bumalik na siya sa upuan niya kanina, doon ako nakahinga ng maluwag. “Dove pala ang pangalan mo? Hindi kasi sinasabi sa amin ni Schian. Kay Mama niya lang sinabi.”
Para na akong papanawan dahil sa kaba ko. Hindi pa bumababa si Schian, kaya naman para akong nasa hot seat kasama ang mga kapatid niya.
Ang mga kuya naman ni Schian ay nagce-cellphone lang habang nakaupo sa tabi ng babae.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumaba na si Schian at naupo sa maliit na upuan na malapit sa Tv nila. Napanguso ako dahil doon.
Alam niya talaga kung saan muna lulugar dahil nanliligaw palang naman siya. Paano ko siya sasagutin kung nandito ang mga kapatid niya? Should I say yes to him while her siblings are here with us?
“Kumain na ba kayo?” Pagtatanong ng ate niya.
“Hindi pa, ate,” sagot ni Schian. Napakunot ang noo ng ate nya dahil sa sagot ni Schian.
“Bakit hindi pa kayo kumain nasa Sm na kayo? Walang pagkain dito. Akala ko, kumain na kayo doon.”
Napakamot si Schian sa ulo niya bago sagutin ang ate niya.
“Busog pa naman po kami, ate. Saka bumili lang kami ng milk tea dahil hindi pa naman kami nagugutom.”
“Mag oorder ako ng pagkain. Ikaw ang magbayad.”
“Ate, ikaw na. Libre mo na sa amin ‘yan, tutal birthday ko naman,” nakangiting ani ni Schian.
“Heh! Binigyan kita ng 500! Binigyan ka rin ni Mama kanina,” pagsusungit ng ate nya sa kaniya. Muling sumiklab ang kaba sa dibdib ko nang lingunin ako ng ate nya. “Anong kinakain mo?” Malumanay na tanong niya sakin. Napalunok naman ako dahil sa tanong niya.
“Lahat po,” kinakabahang sagot ko.
“Oh, eto sibuyas. Lahat pala kinakain mo, eh,” pagbibiro ng kuya niya, dahilan para matawa ako.
Mukhang hindi na ako magtataka kung bakit kwela si Schian. Nagmana pala sa mga kapatid niya.
“Padating na sila Papa. Lagot ka doon. Matangkad ‘yon, sasapakin ka no’n!” Pananakot nila sakin.

YOU ARE READING
My Daylight
RawakAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine