"Malapit na ang foundation day. May trip ba kayo?" Tanong ni CJ sa amin ni Coleen nang makabalik na kami sa room matapos bumili ng pagkain sa canteen.
"Ako, wala. Kilala nyo naman kung sino yung crush ko," sagot ni Coleen, dahilan para may maisip akong kalokohan.
"Ikaw, ah! Umamin ka na kasi!" Panunukso ko sa kaniya. Tinusok tusok ko pa ang tagiliran nya, dahilan para matawa siya at subukang iwasan ang ginagawa ko, pero mas lumapit ako sa kaniya hanggang sa tumayo siya at tumakbo. Hinabol ko naman siya, pero agad ring napatigil nang makita ko ang coach ng volleyball team.
Naalala ko pa noong unang sumali ako sa volleyball team noong elementary ako. Mahilig kasi akong sumali sa mga sports na nakikita ko. Nag gymnastics ako dati, volleyball, dance troupe, arts contests, and so much more.
At my young age, I want to know what sports I would fit. Sa dami ng sports na sinalihan ko, mas nag excell ako sa volleyball.
Aminado akong may isa akong kahinaan. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit habanv lumalaki ako, naging mailap ako sa tao at naging introvert ako. Mas lumala pa iyon nang mabully ako noong grade seven ako.
Nabugbog ako ng mga kaklase kong babae. Dahil walang alam sa pakikipag away, hindi ako nakapalag sa sabunutan. After that I discovered myself being boyish. Mas sa suntukan ako may alam.
Marami ang nag akalang tomboy ako dahil sa pagiging natural na boyish ko, pero ang pananamit at ang pag aayos ay babaeng-babae. Malayo sa sinasabi nilang tomboy ako dahil hindi naman ako nagkakagusto sa babae.
"Bakit? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Coleen nang makitang titig na titig ako sa coach ng volleyball player.
"Gusto ko sanang sumali sa volleyball," pagsasabi ko ng totoo. Napabuntong hininga nalang akong nag iwas ng tingin at pilit na ngumiti sa kaniya nang lumingon sa kaniya. "Tara na," pagyaya ko sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi sumunod sakin paakyat ng room namin. Isinantabi ko nalang muna ang pag iisip tungkol sa pagsali ng volleyball team.
Marami pa akong kailangang asikasuhin at pagkaabalahan. Gusto ko pang maging consistent honor student. Hindi porket boyfriend ko si Brix, pababayaan ko na ang pag aaral ko.
Nang sumunod na subject, ibinigay ko ang buo kong atensyon. Bukod sa gusto kong makapasok sa volleyball team, gurong gusto ko rin ang discussion kapag English subject na. Favorite subjecy ko kasi talaga ito.
Mahilig talaga akong magtaas ng kamay sa recitation kapag English subject, kaya siguro maraming nag aakala na sumisipsip ako sa teacher namin sa English.
Hilig ko lang talaga ang subject na ito dahil ito ang pinaka inaral kong mabuti. Halos ang mga libro ko dati ay puro English books. Mahilig kasi talaga akong magbasa. Gustong gusto ko kapag nagbabas ako dahil nare-refresh ang utak ko.
Whenever I'm reading some books, I feel like I'm different person. I can feel something in me that I'm afraid to admit to myself.
Duwag ako. Hindi ako matapang. Kinakaya ko lang lahat kahit na hirap na hirap na ako at kahit na nasasaktan na ako.
Wala naman kasi akong choice para kayanin ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil wala naman akong magulang na sasalo ng bigat na nararamdaman ko. Walang nagpapaka-nanay sakin.
Kahit si CJ... hindi ko lang ipinapahalata, pero nag aalala na ako sa kaniya. Mukha lang siyang malakas, pero sa loob nya alam kong hindi nya na kaya.
May mga magulang nga siya na nandyan sa tabi niya, pero ni minsan hindi siya tinrato ng tama ng sarili nyang ina.
Nakakalungkot lang dahil imbes na mapabuti ang kalagayan ni CJ dahil sa kumpletong pamilya, ramdam ko ang pangungulila ni CJ sa kaniyang mga magulang. Gusto nito ng pagmamahal, pag aalaga, at respeto mula sa kaniyang mga magulang, pero ang nanay nito ay parang hirap na hirap ibigay sa kaniya.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine