Love… hindi ko alam kung ano ba talagang ibig sabihin ng salitang iyon, pero ang alam ko lang mahiwaga at malalim ang simpleng salitang iyon.
No Girlfriend Since Birth or NGSB ako. Marami akong crush na trip-trip ko lang naman.
“Anak, mag aasawa ka pa ba?” Tanong sa akin ni Mama isang araa habang naglalaro ako sa laptop ko. "Magkakaapo pa ba ako sayo?"
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tanong niya.
“Ma, bata pa po ako. Ayoko pa pong magka girlfriend,” sagot ko sa kanya.
Naghihintay na silang may maipakilala ako, pero masyado pa akong nag eenjoy sa pagiging single. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na may girlfriend at inlove.
Pero noong nakilala ko si Sandy, kaklase ko noong high school, bigla ko siyang nagustuhan. Gumawa ako ng paraan para magpapansin sa kanya.
Nagpapalipad-hangin ako sa kanya dahil gusto ko talaga siya, pero mukhang hindi pa siya handa kaya naghintay ako.
“Schian, gusto kita,” pag amin sakin ni Sandy isang araw matapos ang paglalaro namin ng ml.
Doon na nagsimula ang lahat. Nagsesend siya sakin ng Tiktok videos at pinapagawa sakin iyon. Ginagawa ko naman kahit hindi ako ‘yung tipo na gagawin iyon… para sa kaniya.
Pero dalawang taon ang nakalipas, nalaman ko nalang na may boyfriend na siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. She’s my first heartbreak. Kahit hindi naging kami. Kahit M.U lang naman kami.
That’s when I decided na ayoko na muna. Gusto ko munang maghilom dahil ayoko namang ipilit ang sarili ko sa isang tao na hindi naman ako kayang mahalin.
Inaamin ko… minahal ko talaga siya. Minahal ko si Sandy, pero hindi kami pwede.
Nagfocus ako sa pag aaral ko hanggang sa lumipat kami ng bahay. It was a new environment. Bagong school at bagong mga set of friends.
Nagkakilala kami ni Yohan dahil magkaklase kami noong grade eleven. Siya lang ang kinakausap ko dahil siya lang naman ang kaibigan ko.
Noong mag-grade twelve kami, magkaklase parin kami ni Yohan. Masaya ako dahil may kilala ako sa section namin. Hindi ako masyadong mangangapa at ma a-out of place.
Magkachat kami ni Yohan habang naggagawa ako ng module.
Yohan Villanueva:
Pre, what if makilala mo na ‘yung the one mo?
Napailing nalang ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya, pero sasagutin ko nalang ang tanong niya.
Schian Klein Pelagio:
Hindi pa ako ready na pumasok sa relasyon. Hindi ko pa yata kayang maghandle ng relasyon.
Totoo iyon. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung dahil ba natrauma ako kay Sandy o dahil wala pa talaga sa isip ko iyon. Tadhana nalang talaga ang magsasabi kung handa na ba ako kapag nakilala ko na siya.
Pero hindi ko akalain na masyadong advance ang tadhana sa amin. May napansin ako sa isa sa mga kaklase ko na magaganda, pero napatigil ang mga mata ko sa isang babaeng may profile sa google classroom na simple lang at nakalight makeup. Hindi ko alam kung filter iyon, pero kapansin-pansin ang nangingibabaw na ganda niya.
Habang kachat ko si Yohan pagkatapos ng klase namin, hindi ko maawat ang sarili ko na sabihin sa kaniya ang paghanga sa mga kaklase namin.
Yohan Villanueva:
Focus ka muna sa pag aaral mo pre.
Schian Klein Pelagio:
Oo nga

YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine