Akala ko doon na matatapos ang masasakit na pangyayari sa buhay ko, pero heto na naman ako at nagmamakaawa na 'wag akong iwanan.
"Nag iisip-isip na ako," Dagger told me using his cold voice. He's my boyfriend, but now, I don't know anymore.
"Anong nag iisip-isip?" Humihikbi kong tanong habang nakayakap ako sa kaniya.
"Gusto ko nang makipaghiwalay." Para na naman akong nadurog.
Binuo ko ang sarili ko sa mahabang panahon. Pinilit kong kalimutan ang sakit ng nakaraan kahit gaano pa iyon kahirap para sumubok ulit na magmahal, pero ngayon hindi ko akalain na ganito lang pala ako kabilis na mawawasak ulit.
"N-No, hindi ka makikipaghiwalay. A-Ayoko," umiiyak na sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya habang hinahaplos ang buhok ko, pero mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
Nandito kami ngayon sa second floor sa labas ng room nila. Mag uusap lang dapat kami, pero hindi ko akalain na ganito na pala ang mangyayari.
Iiwanan niya na pala ako. Makikipaghiwalay na siya sakin.
Ngayon lang ako umiyak ng ganito kalala sa isang lalaki. Iniyakan ko man dati si Brix, pero hindi ganito kasakit.
"Makakahanap ka pa ng mas better kaysa sakin. Maniwala ka," pangungumbinsi niya pa. Umiling lang ako habang nakayakap sa kaniya.
Ayoko siyang bitawan kahit na nangangalay na ang braso ko. Dahil oras na bitawan ko siya, para ko na ring tinanggap ang pakikipaghiwalay niya.
Hindi ko alam kung anong mali sakin. Hindi ko alam kung anong meron sakin at palagi akong iniiwan ng mga taong mahal ko.
Ako ba ang problema? Bakit naman kailangang paulit ulit? Ganito ba talaga ang kapalaran ko?
"Bitaw na," aniya at pilit akong pinapabitaw sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya at mas isinubsob ang mukha ko sa kaniya.
Ayoko. Hindi ako aalis.
"Bitaw na. Nandyan na ang teacher namin." Wala akong nagawa nang pwersahan nyang alisin ang braso kong nakayakap sa kaniya.
Magulo na ang buhok ako at paniguradong pulang pula na ang mukha at tenga ko dahil sa labis na pag iyak.
Isang sulyap. Isnag sulyap nalang ang nagawa ko bago ako bumaba ng hagdan. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang luhang patuloy sa pagtulo pababa sa pisngi ko.
Pagpasok ko sa room namin, may teacher na. Ang lahat ng kaklase ko ay nagulat sa itsura ko. Narinig ko pa ang pag uusap ng iba, pero wala na akong pakialam.
Umiiyak akong nag excuse sa teacher ko bago ako umupo sa upuan ko. Walang tigil sa pag iyak ang mga mata ko habang nararamdaman ko ang animong suntok sa dibdib ko.
"Bakit, Dove? Anong nangyari?" Tanong pa ng classmate ko sa likod ko. Hindi ako nagsalita. Wala akong lakas ng loob. Nanghihina talaga ako.
"Hayaan nyo siyang umiyak! Pinagbubulungan nyo pa! Mahiya kayo!" Galit na sigaw ng teacher namin sa mga kaklase ko.
Pinakalma ko ang sarili ko at nakinig sa discussion. Kahit ayaw ko ng science na subject, nakinig parin ako. Mag aaral nalang ako.
Gusto ko nalang na matapos ang araw na ito para makauwi na ako. Gusto kong magkulong sa kwarto at umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong maramdaman.
Hindi ko alam kung paano natapos ang klase namin nang wala ako sa sarili. Halos wala akong naintindihan sa mga itinuro, kaya balak kong magtanong tanong nalang dahil may mga notes naman ang mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine