"Dove Atasha Sanctuary," pagtawag sakin ng teacher namin para sa attendance.
"Present, po!" Sagot ko. Ang isip ko ay lutang parin dahil sa nangyari kanina.
Hindi ko akalain na nakaya kong humarap at kumanta sa maraming tao. Pakiramdam ko, isa iyon na achievement na nagawa ko.
"Anong iniisip mo?" Rinig kong tanong ni Coleen sa tabi ko. Pinagigitnaan nila ako ni CJ.
Napabuntong hininga nalang ako at maliit na ngumiti.
"Si Brix," walang pag aalinlangan na sagot ko sa tanong nya. "It's just that.. he made me sing. He made me face my weakness. Humarap ako sa maraming tao sa Hall at pinakanta ako. I can't believe na nagawa ko 'yon."
Tinapik naman ako sa balikat ni Coleen, malapad ang ngiti na ibinigay nya sakin.
"He's totally making you experience things that you couldn't believe to yourself that you actually can," nakangiting tugon nya. It flutters me. I know that Brix and I were not closed enough, but for him to make some efforts for me makes me like him more and more.
"For him to effort like that was something," CJ commented. "I mean, he really knows that you can't do that since you're very much introvert, but he believed in you. I think there's something going on."
Napabuntong hininga nalang ako at pinigilan na mag assume, pero dahil sa sinabi ni Coleen at ni CJ, hindi ko mapigilang mapaisip.
What if tama sila? Na baka may nararamdaman sakin si Brix.
Lumipas ang ilang subjects namin at dumating na ang recess. Nagpunta kami sa canteen para bumili ng pagkain at napansin namin si Brix at Arvin, pero ngayon may kasama silang babae. Maganda, maputi, at talaga namang hindi ko mapigilang mainis.
"Girl, sino 'yon? May babae silang kasama," pag uusisa ni Coleen. Dahil sa inis ko, naglakad na ako paalis roon. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin, pero hindi ko na sila pinansin.
Naiinis ako dahil sa babaeng kasama nila. Pakiramdam ko, may gusto sa kanila ang babaeng 'yon dahil halatang halata rin naman.
Dahil sa lalim ng pag iisip ko, hindi ko na namalayan na may kasalubong akong dalawang lalaki at nabunggo ako sa dibdib ng lalaking mas matangkad na kasama niya.
Napamura pa ako dahil lalo sa inis at nang mag angat ako ng tingin sa lalaki, napaatras ako.
"Sorry," rinig kong sabi ng lalaki, pero dahil sa inis ng nararamdaman ko, hindi ko iyon tinanggap.
"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Nabangga mo tuloy ako," inis na sabi ko sa lalaki.
"Dude, sige na, mauna ka na. Susunod ako sayo," baling nya sa lalaking kasama nya bago ibalik ang tingin sakin nang makaalis na ang kasama niya. "Sorry, Miss, pero ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaanan. Kitang kita ko."
Napabuga ako ng hangin sa sarkastikong paraan. Ako pa ang sinisi ng kumag na 'to?
"Nabangga mo na ako, nagpapalusot ka pa. Magsorry ka nalang!"
Siya naman ang napailing at napahilot sa sentido niya.
"Okay, sorry. Hindi mo kailangang magalit. Hindi ko sinasadya, Miss. I already apologized, but fine. Hindi naman ako mahirap kausap," aniya sa magalang na paraan.
Nang unti unting huminahon, napabuntong hininga ako.
"Look, I'm sorry. Naiinis lang kasi ako, kaya nadamay ka pa tuloy. Sorry talaga," paghingi ko rin ng tawad.
"It's fine. I'll go ahead," aniya at nilagpasan ako. Napabuntong hininga pa ulit ako dahil sa frustration na nararamdaman. Pakiramdam ko sinalo ko lahat ng kamalasan.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine