5

2 1 0
                                    

Kinabukasan, mas lalo kaming naging busy dahil sa dami ng events na mangyayari dito sa school namin.

"Para sa foundation day, kailangan ninyong umattend lahat. Kailangan ng bawat isang pariticipation. Kaya sana naman ay lahat kayo ay pumunta dahil pinaghandaan 'to ng buong campus," anunsyo ng adviser namin na si Ma'am Aira. "Any other questions?" 

Tumaas ng kamay si Edcel, ang class president namin. 

"Yes, Edcel?" Pagtawag ni Ma'am sa kaniya. Tumayo ang lalaki at sinabi ang concern niya. Tahimik naman kaming nakinig sa kaniya. 

"Ilang araw po ang foundation day? Naka uniform po ba kahit sa foundation day?" Pagtatanong niya. 

"Tatlong araw ang foundation day, pero about sa susuotin nyo, hindi nyo kailangan mag uniform. Civilian ang susuotin nyo, pero ang mga host ng foundation day ay magtatakda ng patakaran kung anong kulay ang huhulihin nila," pagpapaliwanag ni Ma'am. Naupo na si Edcel nang nasagot na ni Ma'am Aira ang tanong niya. Sunod namang nagtaas ng kamay si Coleen. "Yes, Coleen?"

Tumayo si Coleen bago sabihin ang itatanong niya. 

"Pwede po ba ang magkasintahan sa foundation day?" Tanong ni Coleen na nilingon pa ako. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa hiya. 

"Pwede naman, pero 'wag naman sana puro bebe time dahil nasa school parin kayo," pagsagot naman ni Ma'am sa tanong ni Coleen. "Bakit? May mga magkasintahan ba dito?" 

Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa hiya na nararamdaman. 

"Si Brix at Dove po!" Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil sa labis na hiya. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon, kaya naman hindi ko maiwasang mahiya kapag may mga ganitong pangyayari. 

Narinig ko pa ang kantyawan ng mga kaklase ko, kaya naman naramdaman ko ang lalong pamumula ng pisngi at tenga ko. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am. 

"Kayo, ah. Bakit kaya hindi ko kayo pagtabihin para maging tahimik kayong dalawa?" Pang aalaska rin ni Ma'am. Naghiyawan ang buong klase hanggang sa marinig ko ang pagtawa ni Ma'am. 

"Kinikilig si Dove, Ma'am! Pagtabihin nyo na po sila, Ma'am!" Pagsulsol ng mga kaklase ko sa teacher namin. 

"Bukas, magkatabi na sina Brix at Dove. Ang wala sa upuan bukas, absent, ah. 'Wag kalimutan." Napahilamos na ako sa mukha ko nang marinig ang sinabi ni Ma'am Aira. Hindi ako sanay na katabi si Brix, kaya naman mukhang kailangan ko nang masanay. Pero sana ay biro lang ang sinabi ni Ma'am dahil hindi talaga ako komportable sa ganitong klase ng atensyon nila sakin. 

"Mukhang napagtripan kayo ni Ma'am Aira, ah," nang aasar na sabi ni CJ. Napailing nalang ako at kinuha nalang ang cellphone sa bag ko dahil wala naman daw kaming klase ngayon. Relax relax raw muna kami dahil sa stesssful na lesson namin at dahil na rin sa dami ng pinapagawa sa amin sa bawat subject. 

Napailing nalang ako at iwinaglit sa isip ko ang nangyari.

"Huwag nyo nga asar-asarin 'to at si Dove lang naman ang binoto bilang muse ng section natin. Kung wala lang sanang nagbida bida, edi sana siya ang muse natin ngayon," pagpaparinig ni Coleen sa mga kaklase namin na naririnig naming nagbubulungan. Palihim nila akong hinuhusgahan na para bang may ambag sila sa buhay ko.

I confidently stood up from my seat. Wala na si Ma'am Aira dahil may meeting pa raw siyang kailangang attendan.

I put both of my hands inside of my pocket's school uniform skirt. Taas noo akong nag angat ng tingin sa kanila bago sabihin ang sasabihin ko. I even saw Brix's watching me intently.

"Before you judge me and question my looks, let me remind you that I'm Best in English. Dove Atasha Sanctuary, one and only. If you want, I can talk to you in English and you will also speak in English. If you can't do that, then shut your mouth," I seriously said. I looked at each and everyone one of them.

My DaylightWhere stories live. Discover now