18

3 0 0
                                    

Masaya kaming gumawa ng Philosophy habang umiinom ng sprite na binili namin ni Schian.

Magprisinta akong bumili ng maiinom dahil gusto kong maging friendly sa kanila. Mababait sila sakin at hindi ako nag aatubiling makipagkwentuhan sa kanila.

“Favorite na ni Lord sa lahat ng aspeto, pati ba naman sa height!” Ani ni Girlei habang naggagawa kami ng Philosophy. Gamit ang recyclable materials, gagawa kami ng ginagamit sa pang araw araw. 5

Natawa naman ako dahil doon habang pinapanood sila sa ginagawa. Hindi ako artistic, kaya naman sinabi ko sa kanila na kung gusto nilang maging maayos ang ginagawa namin, sila na lang ang gumawa at ako na ang bahala sa panulak at pagkain.

Pagkatapos nito, didiretso kami sa Sm dahil bagong bukas lang iyon. Excited akong makapunta sa Sm dahil kasama ko sila. Kung si CJ siguro ang kasama ko, paniguradong sasakit ang paa ko dahil sa pag iikot. Ako pa naman ‘yung tipo ng babae na hindi talaga mahilig mag ikot-ikot. Ayoko ng hassle dahil maikli lang ang pasensya ko.

“Sorry na! Sisihin mo ang genes namin,” nang aasar na sabibko sa kaniya. Ngumuso naman ang mga kasama namin habang ang iba ay napapailing nalang. Si Schian na katabi ko ay busy lang sa pakikinig sa amin. Nakikisali siya sa paggawa ng para sa Philosophy namin.

Sa lahat ng bagay na pinakaayaw ko sa sarili ko, height ko lang ang pinakagusto ko. Gustong-gusto ko ang katangkaran ko para sa isang babae. Kumpara kay Mama, mas matangkad ako sa kanya. Pero sa aming dalawa ni Schian, mas matangkad siya sakin.

Kasama sa ideal man ko ang mas matangkad sakin. Hindi ko alam, pero ayoko sa maliit.

Tuwing tinitignan ko ang height ni Schian, naaalala ko bigla ang height ni Ren ng F4 Thailand. Siya ang bias ko sa F4 dahil sa tangkad, bait at pagiging hero niya kay Gorya.

I guess, I’m not really into short guys.

“Sm tayo, ah!” Anyaya ko sa kanila habang naggagawa parin sila ng para sa Philosophy. Nagkanda-sunog na iyon dahil itinatapat nila sa apoy ng kandila.

Sinamaan ako ng tingin ni Abi.

“Nagpunta ka lang yata rito para gumala, eh!” Aniya. Natawa naman ako at umiling bilang sagot.

“Syempre, kasama na ‘yon!” Ani naman ni Lagardo, kagrupo namin sa Philosophy.

Napailing nalang ako at tumungo nalang sa lamesang bato dito sa may tapat ng ABM. Dito ang tambayan ng mga senior high. Hindi pwedeng magpunta rito ang Junior high, kaya ganoon rin kami. Minsan kasi, ang senior high ang gumagawa ng gulo sa junior high kaya naman may mga nagsusuntukan.

Nang hindi matapos sa ginagawa, nakasimangot si Girlei na humarap sa amin.

“Tara na! King, ikaw ang gumawa, ah! Plus ten kayo sakin,” sabi ni Girlei sa lalaki. Matangkad rin ito, pero moreno.

Ngumisi ang lalaki at tinawag si Lenard, isa rin sa mga kaklase namin.

Umayos ako ng pagkakaupo at inayos ang buhok ko nang tawagin ako ni Girlei. Nakakunot ang noo kong humarap sa babae na nakatingin na pala sa akin.

“Tara na! Sm na. Ayaw mo?” Masungit na tanong niya sakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay, pero ang mga mata ko ay nagniningning dahil sa sinabi niya.

“Tara na! Tayo na kayo dyan! Sm na!” Magiliw na sabi ko, dahilan para matawa sila sakin. Nakitawa rin ako at tumayo na para maglakad papunta sa Sm. Malapit lang naman iyon sa campus, kaya naman konting lakad nalang ang gagawin namin.

Magkatabi kami ni Schian habang naglalakad. Nagkumpulan ang mga kaklase namin habang nagkukwentuhan. Nang tawagin kami ni Lagardo, lumingon kami sa kaniya at napansin na may hawak na siyang isang rosas habang malaki ang ngiti na naglakad palapit sa amin.

My DaylightWhere stories live. Discover now