13

2 1 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga rin ang pasok namin para sa online class. 

Nandito ako ngayon sa study room ko kung saan dito ako mag aaral at aattend ng klase tuwing onlime class. Nakaupo ako sa swivel chair habang nasa harap ko ang laptop ko.

Nakajoin na ako ngayon sa sinend na meeting I.d para sa zoom meeting. Dahil late akong nakapasok dahil sa late na rin naibigay ang section ko, kailangan kong maghabol ng gagawin.

Balak kong after online class habang kumakain ako ng tanghalian, uumpisahan ko nang basahin at sagutan ang mga modules at activities ko.

Wala akong oras para magpahinga ngayon dahil umpisa na ng klase. Marami na akong gagawin araw araw, kaya naman mas kailangan kong magpokus sa ginagawa ko.

Si CJ naman ay nasa kwarto nya at doon umaattend ng online class.

Nang makapasok na ako sa meeting, napansin ko na marami na rin ang nakajoin. Hindi na ako nag abala pang tignan kung sino ang mga kaklase ko dahil hindi naman ako interesado. 

"Good morning, class!" Bati ng teacher namin, kaya naman itinuon ko ang pansin ko sa klase. Iniintindi ko ang lesson na itinuturo sa amin habang nagti-take notes sa mga mahahalagang parts ng lesson sa notebook na nasa ibabaw ng study table ko habang may hawak akong black ballpen sa isang kamay. 

Tumango-tango ako, tanda na naiintindi ko ang itinuturo. Nagtataas rin ako ng kamay, pero pansin kong hindi ako natatawag dahil sa dami ng gustong sumagot. Hinayaan ko nalang iyon dahil mukhang marami rin ang matalino sa section namin. 

Nang matapos ang dalawang oras na klase, nagstretching ako at inabala ang sarili ko sa pagsasagot ng mga activities. Binasa ko muna ang modules bago sagutan ang mga iyon. Madali lang naman dahil binasa kong mabuti at inintindi ko rin. 

Habang nagbabasa ng modules, biglang bumukas ang pinto at pumasok si CJ na mawalak ang pagkakangiti habang naglalakad palapit sa akin. Naupo siya sa swivel chair na katabi lang rin ng study table ko. May extra akong study table para kay CJ just incase na gusto nyang dito rin pumwesto para mag aral. 

"Kamusta ang klase?" Pagtatanong niya. Hindi na ako nag abalang lingunin pa siya dahil nagsasagot na ako ngayon ng activities. 

"Ayos naman. Marami lang akong kailangang sagutan na module," sagot ko sa kaniya habang nagtitipa sa laptop ko. 

"May gwapo ba?" Nang aasar na tanong niya. Ngumiwi naman ako habang nakatitig parin sa laptop ko. 

"Hindi ko alam. Hindi ko naman kilala ang mga kaklase ko. At isa pa, hindi 'yan ang priority ko ngayon," seryosong sagot ko sa kaniya. 

"Eh, paano kapag may classmate kang gwapo? Tapos biglang sabihin na crush ka nya, anong sasabihin mo?" 

"Hindi ako nagjo-jowa ng kaklase, CJ," sagot ko sa kaniya. 

"Sus! Eh, ano 'yung kay Brix?" 

Natameme ako at hindi kaagad nakasagot. Sa ilang taon na lumipas, ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalan nya. Para bang maraming nagbago. Hindi na ako naaapektuhan kahit pa marinig ko ang pangalan niya

"Dati pa 'yon, CJ. Natuto na ako ngayon." 

"Eh, paano nga kung ganoon? Ire-reject mo ba?" Pangungulit pa niya. Napabuntong hininga ako at lumingon sa kaniya. Pinagtaasan niya ako ng kilay, animong hinihintay ang sagot ko. 

"Hindi na nga. Promise, hinding hindi ako magkakagusto sa kaklase ko." 

"Promise 'yan, ah?" Paninigurado pa niya. 

"Oo nga! Ang kulit mo! Anong pumasok sa utak mo at ganyan ang tanong mo?"

Ngumuso siya at maya maya ay hindi na napigilan ang pagngiti. 

My DaylightWhere stories live. Discover now