As time goes by, maraming nangyari.
Nagkaroon ako ng mga ka M.U, pero hanggang doon lang iyon. Sa nakalipas na ilang taon, hindi ko akalain na makakamove on ako.
Nakausad ako. Nakaahon ako mula sa sakit ng nakaraan.
"Ilang taon na ang nakakalipas. Kapag ba may reunion sa batch natin, sasama ka?" Pagtatanong ni CJ sakin habang nasa practice kami ng volleyball.
Simula nang magbakasyon kami noong grade eight ako, nagdesisyon akong mag try out na sa volleyball. It was a dream come true for me.
Nagwater break lang kami ngayon matapos ang warm up namin. Pagod na pagod ako dahil sa pagtakbo, pagtalon at sa paikot ikot namin sa buong court.
"Syempre naman. Why not?" Walang alinlangan kong sagot sa kaniya.
"Kahit nandoon si Brix?" Taas kilay na tanong nya. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"Wala namang kaso sakin 'yon. Matagal nang tapos yung sa amin. Wala na sakin 'yon." Totoo ang sinabi ko. Sa ilang buwan na nakalipas, natutunan kong tanggapin ang nangyari. Mabilis akong nakamove on dahil hindi rin naman nagtagal ang relasyon namin. Hindi naman umabot ng taon, kaya bakit ako mahihirapang magmove on?
"Nakamove on ka na ba talaga?" Paninigurado pa ni CJ. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa mga kasama naming nagpapractice ng volleyball.
"Noong una, akala ko mahihirapan ako. Syempre, ako ang unang nagkagusto sa kaniya. Talagang gustong gusto ko si Brix, pero as time goes by, narealize ko na dapat ko nang tanggapin ang nangyari dahil kahit pa umiyak ako ng dugo, hindi na maaayos pa ang sa amin," paliwanag ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya at tinapik ako sa balikat.
"Proud na proud ako sayo, Dove. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko akalain na makakaya mo ulit na umusad nang walang sakit at pait. Masyado kang mabait para sa masalimuot at masakit na mundong ito."
Napangiti naman ako at agad na tumayo dahil tinawag na kami ni coach. Naging abala lang kami sa practice hanggang sa mag uwian na.
It was tiring, but I enjoyed it. Pangarap ko talagang makasali sa isang volleyball team. Gusto kong sumali sa bawat competition dahil gusto kong magkaroon ng achievement sa buhay.
I want more. I want to achieve more. I want to be seen as someone who achieve something and not as a failure. I want to be seen in billboard or even in a tarpaulin.
Gusto kong may marating sa buhay. Gusto kong maging proud sakin ang mga tao sa paligid ko. Gusto kong maging masaya sa buhay ko dahil hindi ko iyon nagawa noong bata pa ako.
Halos iparanas sakin ng buhay ang sakit at pait sa murang edad. Ipinaramdam nila sakin na hindi ako kamahal mahal. I am nothing but a stupid failure to them. I'm just a mistake that they want to remove in their life.
Naiintindihan ko naman, pero bakit masakit parin? Bakit may parte sakin na hindi ko matanggap? Bakit ba ang hirap hirap mabuhay sa mundong 'to ng masaya? Bakit palaging masakit?
Nang makauwi kami sa bahay ni CJ, nakangiti kaming nagkukwentuhan habang bitbit ang bag namin na may lamang mga damit namin na pamalit at bottled water.
Nang makapasok kami sa loob, nabura ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang Mama ko na seryosong nakatitig sakin. Tumikhim ako at naglakad papasok.
"Hi po, Tita," bati ni CJ sa Mama ko. Magkatabi kami ni CJ, pero hindi ko binati ang babae. Bumaling sakin si CJ at nagpaalam. "Aakyat lang ako sa kwarto, Dove."
Nginitian lang ni Mama si CJ, habang ako ay nakamasid lang sa kaniya. Nang bumaling siya sakin, seryosong seryoso siya at animonb gusto akong pagalitan na para may may mali na naman akong ginawa.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine