Special Chapter"Talya, gumising ka na. Anong oras ka nanaman babangon. First day na first day tinatamad ka nanaman..."
Kumatok ng ilan beses si Ate Claudia sa sa labas ng kwarto ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover last summer tapos pasukan nanaman. Sino ba kasi nag pauso ng education na 'to ng makotongan kahit isang dampi lang sa bunbunan.
"Te?!" Rinig kong sigaw ni Louise sa labas ng kwarto ko. "Hinihintay ka ni Kuya Renato sa labas. Mala-late din ako kapag mabagal kang kumilos!"
Ang iingay ng mga kapatid ko! Ang aga aga saan nila nakukuha ang energy 'yan? Lintek na buhay 'to.
"Ito na! Punyeta ka Louise kapag naka labas ako rito humanda ka sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan yung katarantaduhan na ginawa mo sa akin kahapon ah!"
Paano ba naman kasi! Nakatulog ako sa sala nung hapon kakauwi lang namin sa mall tapos 'tong hamog na si Louise sinulatan ang mukha ko tapos pinost pa sa story niya sa instagra. Partida, tinag pa ako.
"Hindi ako 'yon!" Hiyaw niya. "Si Ate Claudia 'yon. Hiniram yung phone ko!"
Lumabas ako ng kwarto at nag madali siyang lumabas at sumakay na sa sasakyan. Ano! Uurong pala ang bayag mo. Ang lakas ng loob mang gago tapos tatakbo ka pala.
"Ano nanaman 'yon?" Naririnding sabi ni Ate. "Maligo ka na at mag bihis na, Tayla."
Ngumuso nalang ako. Kapag si Ate na ang nag utos wala na akong magagawa. Kapag si Mommy, wala akong takot don.
De joke lang!
Laking pasasalamat ko nga at madaling araw sila umalis kanina. May flight daw kasi sila at sa makalawa pa ang balik nila.
"Mag jeep ka nalang, Talya. Iniwan ka na ni Louise." Sabi ni Ate habang nag babasa sa sala.
Namilog ang mata ko at bumagsak ang dalawang balikat! Anong commute?! Makikipagsiksikan ako sa maraming tao para makasakay sa mahabang sasakyan?! No way!
"Anong commute?!" I yelled. "Ate hindi ako marunong mag commute! Ihatid mo nalang ako gamit ang sasakyan mo!"
"No," umiling siya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasa. "Nagre-review ako. Tutal malapit ka ng mag college, Talya. You should learn how to commute. Hindi sa lahat ng oras hatid sundo ka pa."
"No!" Pamumulit ka pa.
Tinignan niya ako ng seryoso. Ugh! "Uulitin ko pa ba ang sinabi ko, Talya?"
"N-No need," ngumuso ako.
Wala na! Tinignan na ako ng nakakatakot niyang mukha kaya wala na akong magagawa. Shock! Bakit ba kasi hindi ako nagising sa alarm kanina?!
"Aalis na ako teh," sabi ko sa Ate ko na seryoso pa rin na nag babasa.
Complete uniform tapos rekta pag-uwi sa brilyaran!
"Umuwi ka on time mamaya." Lalabas na sana ako ng humabol pa siya. "Tatawag sila Mommy't Daddy. Sisiguraduhin na uuwi kayong dalawa ni Louise mamaya."
Napangiwi nalang ako! Bwisit naman. Parang hindi ako aapak ng legal age next year kung maka pag bawal pa rin sila sa akin hanggang ngayon!
Pawis na pawis tuloy ako nang makarating ako sa labas ng village namin. Umay naman! Dapat pala pumunta muna ako kila Tita Akisha tapos sabay nalang kami ni Arinya pumasok. Kaso, mukhang maaga 'yon pumapasok, eh. Bakit ba kasi mga ginawang morning person ang mga taong 'yon?!
"Fuck," bulong ko sa sarili.
Halos humaba na rin ang mata ko sa nakikita. Puro estudyante na nag papaypay habang nag pupunas ng pawis sa noo. Ang ibang lalaki naman nag lalagkitan at naka bukas pa ang tatlong butones ng kanilang polo. Geez!
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...