Chapter 01

238 43 21
                                    

CJC, March 4, 2024

Cygnus Junior College, isa sa mga sikat na pribadong paaralan sa probinsya ng Tarlac. Ito ay hindi lamang kinikilala bilang maayos at matinong paaralan, kung hindi dahil na rin sa mga estudyante nito na disiplinado, matitiyaga, at mababait.

Ngunit iyon ang paniniwala ng iba na malayo sa katotohanan kung ano ba talagang ugali mayroon ang mga nag-aaral dito.

"Any questions or clarifications? May mga hindi ba maintindihan? Raise it now before I dismiss the class." Tanong ni Ma'am Jenna, ang Chemistry teacher ng buong klase. Kanina pa hinihintay ng lahat na matapos ang session nila rito. Inaantok kasi silang lahat habang nakikinig sa sobrang hirap na topic nila ngayong araw.

"None!" Sabay-sabay na sagot ng lahat.

Tumango si Mrs. Jenna. "Alright, sige, kung wala kayong tanong, tomorrow nalang natin iso-solve 'tong mga natitira pang word problems sa ppt."

"Yes!" sigaw ni Ezekiel.

"Hay sa wakas natapos rin." dugtong naman ni Ian.

Napahikab naman ang iba pang mga studyante habang ang teacher nila ay inaayos ang laptop. Ang iba naman ay tulog kanina pa habang nagkaklase.

Tinutulugan nila ang klase ng Chem.

Napataas ng kilay si Mrs. Jenna. Tila hindi niya nagustuhan ang inasal ng mga studyante niya.

"Anong yes?!" napatawa siya nang bahagya bago sermunan ang mga ito. "Aba! Kung ayaw niyo sa subject ko, pwede niyo i-drop. Madali lang naman ibagsak ang Chemistry, e."

Tumaas na ang kilay niya. Natahimik ang klase dahil bihira lang magalit si Mrs. Jenna pero halimaw naman.

"May quiz tayo bukas, mag-ready kayo. Long quiz." ani Mrs Jenna.

"Hala! Wala akong natutunan." si Vhenhur na nagsalita kasi nakatulog, buti nalang hindi narinig ng teacher.

"Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit." depensa naman ni Eiram para protektahan ang section.

Isinuot na ng teacher ang kaniyang salamin at binuhat na ang mga gamit palabas sa classroom ng 11STEM-2.

11 ay ang baitang, at STEM-2 naman ang kanilang section. Grade 11 na silang lahat at 36 sila sa loob ng klase.

Kaya naman pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Jenna ay umalingawngaw na agad ang mga ingay sa loob ng buong classroom. Ang akala mo tahimik tuwing lesson ay maingay pala kapag homeroom.

"Bro, gets mo ba chem?" tanong ni Darren sa harapan niyang si Kendrick. Napangiti pa siya kasi nga ang hirap ng lesson. "Ang hirap ng topic, 'di ko nasundan."

Umiling lang si Kendrick. "Hindi. Haha! Wala nga ako na-gets sa freezing point, daming formula." sabi naman niya habang abalang ibinabalik ang module ro'n sa bag.

"Teh, pahiram make-up mo." sabi naman ni Anne sa katabing si Joy.

Umirap si Joy at inilayo ang hawak na blush-on. "Teka lang! Ginagamit ko pa. Bumili ka kaya ng sa'yo. Tsk!"

"Luh siya? Huwag na nga. Sa'yo na 'yan." nagtampo si Anne. Tinawanan lang siya ni Joy at katabing si Alfred.

"Hala si extrovert, nonchalant na." pambubuyo naman ni Alfred. Natawa roon si Eiram dahil magkakatabi sila.

Sinamaan lang sila ng tingin ni Anne na parang hindi na namamansin ngayon. Naging nonchalant nga bigla.

Sa likuran naman ay naroon ang mga grupo ng estudyante na nagdadala ng phone. Parang sila na ang batas dahil kahit bawal nagdadala pa rin.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now