Chapter 09

165 41 2
                                    

"Kasalanan ko talaga kung bakit namatay si Ian. Sorry guys, ako ang dahilan kung bakit siya nawala." patuloy sa pag-iyak si Terenze. Hindi rin naman niya inaasahan na ganoon ang mayroon sa pinakagitnang pinto.

"It's not your fault though." hinaplos naman ni Darren ang kaniyang likuran. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaklase.

"Paano ba kasi ang nangyari? Bakit pumasok si Ian sa pintong 'yan?" si Miguel ay turo-turo ang pinakagitnang pinto at tila malaki na ang pagdududa niya sa mga nilalaman ng iba pa.

"Huwag ka na umiyak, pre." usal naman ni Ezekiel dahil nag-aalala na siya sa kaklase na kanina pa umiiyak.

"Oo nga, Terenze. Wala naman ang may gusto sa nangyari kay Ian." dagdag naman ni Alfred para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ni Terenze.

Lumapit na nga si Miguel at sinubukang abutin ang kamay ni Terenze. Nararamdam nito na apektadong-apektado ang kaklase.

"Tumayo ka na riyan, Terenze. Tatlong minuto nalang, oh! Please naman. Anong magagawa ng pag-iyak mo? He's dead, he's already gone. Mamaya ka na magluksa! Kailangan nating makasurvive sa larong 'to." si Miguel ay apektado rin sa pagkamatay ni Ian pero pinipilit niyang maging matatag dahil mas masakit kung lahat sila ay mamamatay sa larong ito.

"Huwag mong i-invalidate ang feelings niya, tol. Masakit naman talaga ang mawalan ng kaibigan."

"Hindi mo 'ko naiintindihan. Ang nais ko lang naman makipagcooperate siya kasi nga tumatakbo ang time." sagot ni Miguel sa bwelta ni Vhenhur.

Hindi nagbigay ng kamay si Terenze para tumayo. Nanatili lang siyang nakaupo at nakasandal do'n sa pader.

"Ayoko." umiiyak pa rin siya.

Ayaw pa rin ni Terenze na tumayo at gumalaw. Iyak lang siya nang iyak dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ng kaibigan. Pero alam niya rin sa sarili na siya ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.

"Ang tanga-tanga ko talaga." sisi niya sa sarili. Ipinatong ni Terenze ang palad niya sa kaniyang noo.

"Terenze. . ." banggit ni Ivan sa pangalan niya.

"Bakit kasi nangyayari sa'tin 'to?"

"Hindi ko rin alam."

"Terenze, stop crying na." pag-uulit ni Darren. Gusto na nilang mapatahan ang kaklase sa pag-iyak.

"Hindi ka tanga, Terenze. Okay? Mas lalong hindi mo kasalanan 'yon. Hindi ka naman namin sinisisi, e." sabi ni Patrick. Hindi nila alam kung ano ang tunay na nangyari at bakit bigla nalang bumulagta si Ian.

Si Terenze lang ang nakakaalam dahil siya ang nag-utos at nagsabi kay Ian na pumasok doon sa pinakagitnang pinto para i-check kung safe ba iyon.

"Huwag mo nang pilitin, Miguel. Tayo nalang ang gumawa ng paraan para makaligtas." ani Alfred.

"Sige." sumang-ayon si Miguel at sinabihan ang mga kaklase na bumalik nalang sa paghahanap ng mga bomba sa buong silid.

"Wait! So. . . ang ibig sabihin nung sinasabi ng boses na traps is itong mga pintuang ito?" mukhang napansin nga ni Leozandro ang bagay na iyon. Kung namatay si Ian sa pagpasok niya sa gitnang pinto, malamang sa malamang ay maaring delikado ang dalawa pang pintuan.

"Oo nga! Parang patibong ang mga pintong 'yan! Kaya siguro namatay si Ian nang pumasok siya sa gitnang pinto." sumbat naman ni Kendrick.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now