Chapter 32

54 4 0
                                    

MADILIM pa rin kahit tila palabas na ang araw. Sabagay, wala rin naman itong saysay sapagkat kulob na kulob ang paaralan—ni hindi nila masilayan kung ano nang nangyayari sa labas.

Simula kasi noong nagising sila sa quadrangle ng Cygnus Junior College matapos ang isang malakas na lindol, doon na rin nagsimulang magulo ang tahimik na buhay ng bawat isa.

Isa-isang namatay.

Iilan lamang ang nabubuhay pa.

Sinong mag-aakala na nag-aaral ka lamang ngunit magigising ka bigla sa paaralan mo nang alanganin na ang iyong buhay? Isang malaking sampal ito para kina Anne, Eiram, at Precious—na masaksihan ang mga kaklaseng bigong ipaglaban ang mga sarili.

Hindi na bago sa mga natitira ang nangyari sa dalawang kaklase. Tanggap na nila na hangga't hindi pa nareresolba ang problema, may pagkakataon pa silang mamatay.

Marami ang dumanak ang dugo. May mga namatay para sa sarili at kapakanan ng kaklase. May mga nasisi at napagbintangan. May mga nagbayad sa pagtatraydor at kasalanang nagawa, at lahat ng iyon ay dahil sa nag-iisang puno't dulo ng lahat—na hindi nila matukoy kung sino sa kanilang grupo.

Hindi nga maikakaila ang mga sakripisyo ng mga namatay nilang kaklase. Ngunit kapag ang isang killer ay hindi madaling mabisto ng mga inosente, ang ibig sabihin niyon, alam niya kung paano paikutin sa kanyang mga kamay ang utak ng ibang tao.

Kaya kung umabot sa dulo ang salarin, gagawa at gagawa ito ng paraan upang mapagtagumpayan lahat ng inihanda niyang plano, at kung ito ay magagawa niya—habang-buhay nitong itatago ang krimeng kanyang nagawa.

Ngayon, isang malaking pagkakataon para sa tatlong natitira na bigyan ng hustisya ang mga kaklase—na huwag hayaang mauwi sa lahat ang pagkamatay nila.

Matapos ngang malaman ng tatlo ang makapanindig-balahibong pagkamatay nina Aason at Darren, nagsimula nang mabuo ang mga sisihan at pagdududa sa pagitan ng isa't isa.

Paano nangyari kina Darren iyon? Kanina pang tanong ni Eiram sa sarili. Parang nakaramdam din siya ng lindol sa kung papaano siya nanginig kanina noong makita ang bangkay ng mga kaklase.

Sino sa dalawa? Halos magulo na rin ang utak ni Anne sa pagdududa kina Eiram at Precious. Ang laki ng paghihinala nito sa dalawa. Sa oras ng madaling araw, kailan ka nakakita ng galing sa labas tapos may biglang iaanunsyong pinatay na tao?

Samantalang si Precious ay tila hindi kinakabahan. Para sa kanya, wala siyang kinalaman doon at kung sino man ang mang-ahas na sumisi rito ay hindi siya magdadalawang-isip na makipagbangayan.

Inanunsyo pala ng kanilang guro—na kasalukuyang nagpapatakbo ng sistema—mangyayari na ang huling laro na kinakailangan nilang matapos para malaman na kung sino ang salarin.

Tatlong matitibay na kababaihan ang umabot hanggang dulo.

Sa sobrang daming pagsubok at buwis-buhay na mga larong kanilang napagdaan, ni isa sa kanila ay wala pa ring umaamin kung sino ang tunay na may kasalanan. Kung lumabas na inosente ang mga naunang namatay, paano pa kaya silang nabubuhay?

HINIHINGAL na nakatayo ngayon si Anne sa tapat ng Room 666. Nagkaroon ng malaking question mark sa isipan nito kung bakit ganoon na lamang kataas ang pagyayarian ng laro.

Building 6. Sixth Floor. Room No. 6. Bago ang building na ito at hindi pamilyar kay Anne. Wala ring elevator kung kaya't tiniis nitong akyatin ang napakataas na hagdan.

Leche. Tatlo na lang talaga kami? Naghahabol ng hangin na saad ni Anne sa sarili. "Anong gagawin namin sa silid na 'to? Number pa talaga ng demonyo. Katakot, ah." Pakatok-katok pa ito sa pinto dahil kahit anong gawin ay hindi ito nagbubukas.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now