For round 4, time limit is 1 minute and 30 seconds.
Round 4 starts. . . Now!
Masyadong maikli ang isang minuto at tatlumpung segundo para makapagdesisyon ng maayos ang bawat players ng mga grupo. Agad na agad silang tumakbo para kumuha ng isang bola sa kani-kaniyang mga kahon para ilagay iyon sa kahon ng ibang grupo na kanilang naiisip.
"Saan ako maglalagay? Sa green pa rin ba? O do'n nalang sa blue? Takte! Bakit kasi bawal na magpatulong sa mga ka-member?" stress na si Allisonly. Hindi niya alam na mahirap din pala ang magdesisyon kapag nasa laro na. Sinusubukan niya makipag-usap sa mga kagrupo gamit ang mga mata.
Nang makita niya si Gian na naroon sa grupo ng blue, tila napaurong siya sa kaniyang binabalak. "Ay, oo pala. Nandoon si Gian. Hays! Kainis. Ano na, Allisonly?! Galaw-galaw." sermon niya sa sarili at napasabunot nalang sa kaniyang buhok.
"Ah! Alam ko na. Sa yellow nalang ako maglalagay. Tama na ang rally sa green. Masyado ng mainit ang labanan. Tingin ko mas magandang pantay-pantay nalang kaming lahat dito." sabi ni Allisonly at kumuha ng bola sa kahon nila tsaka inilagay iyon sa box na yellow.
Nakahinga nang maluwag si Allisonly matapos niyon. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng tamang desisyon sa loob lamang ng ilang segundo.
Tinitigan lang siya ng masama ng team yellow na kanina pa nagbabantay kung sinong player ang mang-aahas na maglagay ng bola roon.
"Sa yellow naglagay si Allisonly. Mukhang galit sina Eiram sakaniya ngayon. Hahaha! Eh ano? Saan naman ako maglalagay?" ani Kendrick matapos niyang makita si Allisonly na nakapaglagay na ng bola.
Mula sa limang bola, naging apat nalang sa Team Red. Samantala, nadagdagan naman ng isang bola ang yellow at dalawa na iyon ngayon.
"Tatlo ang naglagay ng bola sa'min sa previous round. Kilala ko kung sino! Si Vhenhur, Terenze, at Ivan. Tatlo silang pinagtulungan kami! Ngayon kami babawi." ngumiti nang malawak si Kendrick at kumuha ng bola sa kanilang kahon. Agad niya iyon inihulog sa kahon na orange, ang grupo nila Yvonne dahil si Vhenhur ang unang gumawa no'n sakanila.
Ngumiti-ngiti pa siya bago bumalik sa gitna ng quadrangle. "Sana orange nalang ang mawala. Hindi nila deserve mabuhay. Mapang-ahas silang naglagay sa kahon namin, tingin ba nila papayag lang kami basta-basta roon?" bulong pa ni Kendrick sa kaniyang sarili.
Si Valerie naman ay agad na kumuha ng bola at inihulog iyon sa kahon ng Team Red. Nanginginig siya habang ginagawa iyon. Hindi mawari kung
galit ba siya sa grupo na pinaglagyan."Hanggang tingin nalang sila. Hindi nila ako masisigawan o trashtalk! It's a rule. Tsaka tingin ko bagay lang sakanila 'to. Gigil na gigil kami ni Andrea sa group na 'to buhat pa kaninang first round." confident na iniwan ni Valerie ang box na red na kaniyang pinaglagyan.
Last 20 seconds
"Juriel! Bilisan mo mag-decide!" sinuntok ni Juriel ang sarili nang mahina sa dibdib.
Nagsimula siyang kabahan dahil nakita niyang naglagay si Alfred ng bola roon sa kanilang box.
"Oops, nalagyan." sarkastikong sabi ni Alfred bago iwanan si Juriel.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...