"AASON, don't walk faster!" pakiusap ni Darren dito. "Kalmahan mo lang, okay? Dalawa lang tayo rito, and wala naman tayong tinatakbuhan."
"Dami mong satsat, bilisan mo na lang maglakad at sumunod ka sa akin. Tumatakbo ang oras," sagot naman ni Aason.
"Tsk!"
Madilim ang buong paaralan.
Walang mga ilaw ang nakabukas. Pati ang hallway at binabalot ng dilim. Mabuti na lamang ay nagdala sila ng flashlight kung kaya't malaking tulong ito upang makita nila ang kanilang nilalakaran.
"Bakit kaya ang dilim? Hindi naman ganito ang school nitong mga nakaraang araw. Kahit gabi o madaling araw, may mga ilaw pa rin ang nakabukas. Pero ngayon kahit isa wala," bulong ni Aason nang makalapit si Darren.
"I don't know."
"Bakit hindi mo alam?"
"I mean... I don't have any idea. Bakit hindi mo tanungin si Ma'am Micka?" naiinip na sabi ni Darren.
"Sasagot ba 'yon? Mukhang hindi naman."
"Exactly."
"Ano'ng exactly?"
"She won't respond anyway, kaya alamin na lang natin."
Napasinghap si Aason. "Ewan ko sa'yo, Darren. Tara na nga, diretso na tayo."
Nilakad pa nila ang hallway. Gamit ang flashlight, inilawan nila ang mga classroom na nakakandado pa rin.
Maya-maya lang ay biglang napahinto si Darren kaya nahinto rin si Aason.
"Oh, an'yare? Bakit?" pagtataka ni Aason.
Itinapat ni Darren ang flashlight niya sa pagmumukha ni Aason.
"Hoy! Huwag sa mata ko!"
"S-sorry!" Tumawa si Darren.
"B-bakit mo ba kasi naisipan 'to, huh? Are you insane?" Napa-iling pa si Darren at nilingon ang paligid.
"Ako? Baliw?" Napangiwi naman si Aason. Itinapat din niya ang flashlight sa mukha ng kaklase.
"Hey! Stop!" Tinakpan ni Darren ang mukha niya gamit ang kamay.
"Sabi ko sa'yo, mamamatay tayo kung hindi tayo gagalaw. Bakit ko 'to naisipan? Kung hindi, edi sino pa? Buti nga kamo ay naglakas-loob akong gawin 'to kahit ayoko, kahit na may pagdududa at takot. Pero gusto ko nang matuldukan 'yang gagong laro na pinapagawa sa atin ni Ma'am Micka. Sa tingin ko, hindi na tama, eh. Wala namang lumalabas na killer. Lilima na lang tayo pero mukhang mauubos pa tayo kung sasabak pa tayo sa sinasabi niyang susunod na laro."
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Darren. "You already know na delikado, yet you still wanna do it? Baka mapaano tayo rito."
Lumapit si Aason at tinapik ang balikat ni Darren. "Huwag kang mag-alala. Kaya natin 'to. Tsaka kailan pa naging delikado ang pag-alam ng katotohanan, ha?"
"Fine." Nagpalabas ng hangin sa bibig si Darren. "You have a point anyway."
"Sundan mo na lang ako," utos ni Aason at naglakad na ulit. "Pupuntahan natin 'yung storage room. Sigurado akong nandoon pa 'yung bangkay ni Mr. Reymark. Kailangan natin 'yon suriing mabuti. Halika na!"
Tumango lang si Darren at nagpatuloy na nga sila sa paglalakad.
Mahaba-haba ang hallway na nilakad nila, at nang makakita nang hagdan ay bumaba sila roon.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...