Flashback
Bago pa man makababa sina Aason, Alfred, at Elayza para tunguhin ang cafeteria, nagpaalam din si Gian.
"Guys!" tawag niya sa mga kaklase.
Napalingon ang lahat sa kaniya.
"Bakit?"
"Punta muna ako sa banyo saglit, iihi ako. Sasabog na 'tong pantog ko, eh," pagpapaalam niya, nakahawak ito sa ibabang parte ng katawan na parang bang hirap na hirap itong pigilan ang ihi.
"Sige."
"Go!"
"Bilisan mo, ha!"
Tuluyan na ngang bumaba ng hagdan sina Aason, Elayza, at Alfred para puntahan ang cafeteria.
Naglakad na rin si Gian papunta sa banyo ngunit naantala ito nang biglang tawagin siya ni Kryslyn.
"Bakit?" Napalingon ito.
"Thank you nga pala sa pagbuhat sa'kin. Sobrang na appreciate ko 'yon," pagpapasalamat ni Kryslyn.
Ngumiti si Gian. "Naku! Small things."
"Sige, una na talaga ako at hindi ko na mapigilan." Tuluyan na ngang lumakad si Gian papunta sa banyo.
"Bumalik ka, Gian, ha!" sigaw ni Leozandro.
Nang makalayo si Gian. Ang natira lang sa labas ng venue ng Rebus Confinement ay sina Eiram, Yvonne, Sienna, Anne, Kryslyn, Precious, Miguel, Darren, Kendrick, at Leozandro.
Ilang minuto lang ang nilakad ni Gian bago marating ang banyo ng kanilang paaralan. Mabuti na lamang ay hindi iyon nakakandado tulad ng ibang mga silid kung kaya't madali niya iyon napasok.
"Ah! Ihing-ihi na 'ko!" sambit niya, gustong-gusto nang makaihi.
Hindi rin niya napansin na may tumagos na palang ihi sa pantalon nito.
"Hay! Nako naman oh!" Nakaramdam siya ng hindi pagiging kumportable. Binuksan niya agad ang pinto at nagmadaling pumasok.
Nagulat si Gian nang masaksihan ang kaunting pagbabago sa loob nito.
"Kailan pa nagkaroon ng tiles 'tong banyo ng boys?" tanong niya sa sarili.
Hindi na talaga siya makapagpigil ng ihi kung kaya't dumiretso na agad siya sa isang cubicle. Binuksan na niya ang kaniyang zipper upang makaraos.
"Ahh!"
Napapikit si Gian habang umiihi.
"Hmm~" Ramdam niya ang paraiso habang patuloy na nagpapalabas ng tubig sa katawan. Halos ilang oras din itong nagpigil ng ihi.
Habang nakapikit ay may narinig siyang boses sa kaniyang harapan.
"How's the feeling, Gian?"
Boses ito ng babae.
"Huh?" reaksyon niya. Nagpatuloy ito sa pag-ihi at hindi inintindi, ang akala niya'y guni-guninlabg. Sobrang dami niyang ihi na tila ba'y isang tabo ang kaniyang mapupuno.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...