Sa oras na nakapasok ang lahat sa room 158 ay agad na nagkandado ang pinto. Nagulat man ay hindi na iyon naging malaking problema sa kanila sapagkat inaasahan na nilang mangyayari ito lalo na't kung sasabak ulit sila sa isang laro.
Nilakad nila ang buong lugar.
"Ibang venue na naman," natawa si Anne dahil tama silang iba't-ibang lugar nga ang mayroon sa bawat silid ng kanilang paaralan.
"Nilalamig pa ako. Basa pa itong mga suot natin," wika ni Kendrick, nakayakap sa kaniyang katawan.
Bumungad sa kanila ang isang mahabang clothes rack na kung saan may mga nakasabit na walang damit.
"Iyon, oh! Mga damit!" Tinuro ni Aason ang mga asul na t-shirt at agad nila itong tinungo sa kagustuhang makapagpalit lalo na't basang-basa ang mga suot nilang swimwear.
Isinuot nila ang mga damit dahil may maliit na screen sa tabi nito na nagsasabing "Wear your own t-shirt" na kung saan nakalagay ang kanilang mga pangalan sa harapan at may mga numero naman sa likod.
"T-teka nga, para saan 'tong mga damit na 'to? Ito talaga susuotin natin?" tanong ni Miguel. Ang number ng kaniyang damit ay 05.
"Siguro, kasi kailangan talaga natin magpalit," sumbat ni Kendrick, suot naman niya ngayon ang number 06.
Samantala, ang napunta naman kay Aason ay damit na may number 01. Habang 16 naman ang kay Darren.
"Kung hindi ako nagkakamali... mga class number natin 'to 'di ba? Oh, ako pang-apat ako sa girls tapos number 04 itong sa akin," ani Sienna at 04 nga ang numero ng kaniyang damit.
"Definitely yes," tugon ni Precious. May number 08 naman sa damit nito.
"Para saan ang mga damit na 'to? Parang may mali, eh." Inulit ni Anne ang tanong ni Miguel kanina, siya ay may pagdududa. Number 10 naman ang kaniyang damit.
Si Eiram na nakakuha ng number 12 na damit ay sinagot ito. "Talagang may mali. Para naman kasi tayong mga preso sa lagay na 'to. Ano tayo, prisoner? Blue na damit tapos may pangalan sa harapan? Malabo rin na maging jersey ito."
"Mukhang alam ko na ang game. We will be the prisoners," sambit ni Darren.
"Yes, you are," tugon ni Precious.
"Tignan niyo 'yun, oh!" pag-agaw ni Kendrick sa atensyon ng lahat. Mukhang magsisimula na naman kasi silang magbangayan.
Ang lahat ay napatingin sa gitna.
May walong upuan na nakahilera.
May tig-iisang metro ang layo ng bawat upuan sa isa't isa.
"Hanep! Ano 'to?" tanong ni Sienna.
Nilapitan nila ang nakahilerang mga upuan.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...