Chapter 20

117 33 1
                                    

Hindi na alam ni Yvonne kung saan siya tutungo. Hinahabol siya ng Grim Reaper at sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya. Kabadong-kabado siya.

Sigaw pa siya nang sigaw.

Ang lahat ng kaklase niyang nagtatago sa iba't-ibang puntod ay napalingon sa kaniya hindi lang dahil sa liwanag ng bracelet nito, kung hindi dahil na rin sa mapang-agaw atensyon nitong boses.

"Bakit ako? Ayoko na! Umalis ka na rito! Tulong guys! Hinahabol ako!" patuloy niyang pagngawngaw.

Halos kapusin na siya ng hangin sa katawan kakatakbo pero ang Grim Reaper na humahabol sa kaniya ay ayaw siyang tigilan.

"Layuan mo na ako!" sigaw niya sa likuran.

Habang hinahabol ay naalala ni Yvonne kung ano ang teknik na ginawa ni Precious kanina.

"Sa mga puntod. Oo!" aniya.

Sampung segundo na lang ang natitira.

Sumuot si Yvonne sa sulok ng mga puntod upang lituhin ang humahabol na Grim Reaper sa kaniya.

Hanggang sa natapos nga ang oras ay natakasan din ni Yvonne ang Grim Reaper sa wakas. Agad na namatay ang liwanag sa bracelet nito at hindi na siya nito nasundan pa.

Nakahinga siya nang malalim.

Sobrang tuwa niya dahil nakaligtas siya sa pihit ng kamatayan. Hindi rin siya makapaniwala na nagawa niyang makatakbo nang ganoon kabilis.

Habang natahimik naman ang lahat dahil kinakabahan sila kung mag-aanunsyo ba ang kanilang guro kung nahuli ba ito ng Grim Reaper.

"I hope Yvonne was fine," bulong ni Precious sa hangin habang nagtatago.

"Sana hindi siya nahuli," dasal naman ni Kryslyn sa gilid.

"Sa tingin mo nahuli siya?" tanong ni Anne kay Eiram.

Umiling si Eiram. "Hindi ko alam."

Tumagal ng isa pang minuto ang dilim ngunit hindi pa rin nagbibigay ng kahit anong anunsyo ang guro. Dahil roon, napagtanto ng lahat na ligtas si Yvonne.

"Congratulations, Yvonne!" biglang sigaw ni Aason.

Napalingon si Yvonne. Inisip niya kung saan nanggagaling ang sigaw ni Aason. Mabuti na lamang at walang nakasinding ilaw at hindi matutunton ng Grim Reaper si Aason.

Ilang saglit lang ay may panibagong bracelet naman ang nagliwanag.

Kay Kendrick.

Minatahan ni Kendrick ang dalawa niyang kamay kung saan nakalagay ang mga bracelet, ngayon ay lahad na ang buo niyang katawan dahil sa liwanag na nanggagaling sa suot niya.

Nagsimula siyang manginig.

"Ano nang gagawin ko?" tanong niya sa sarili.

Nakapag-isip lang siya nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Yvonne.

"Kendrick, tumakbo ka na! 'Yung Grim Reaper. Papunta na sa'yo!"

Agad na tumayo si Kendrick sa pinagtataguan niya. Nilingon-lingon niya ang buong paligid hanggang sa napansin niyang palapit na nga kaniya ang Grim Reaper.

"Takbo!" sigaw ulit ni Yvonne. Nasa likuran lang pala niya si Kendrick.

Agad na nakaiwas si Kendrick nang lundagan siya ng kutsilyo ng Grim Reaper. Mabuti ay alerto ito dahil kung hindi ay may saksak na ang kaniyang katawan. Ginawa niya ang buong makakaya upang tumakbo.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now