Chapter 11

145 38 2
                                    

Agad na napabalikwas ang karamihan sa kanila. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nabasa. Halos hindi maipinta ang gulat sa mukha ng lahat lalo na’t hindi nila inaasahan na si Andrea pala ang killer.

“What the actual fuck?! All this time? Si Andrea ang killer? Tangina lang?” Nakadalawang mura na si Precious.

“P-paanong siya? Paano nangyari ‘yon?” nanginginig na tanong ni Sienna.

“Hindi rin namin alam,” tugon ni Elayza.

Blangko ang itsura ng iba, hindi maiproseso ang mga bagay na nalaman. Si Allyza ay tahimik lang pero mahahalata sa katawan nito ang takot. Habang ang kaibigan nitong si Jea ay yakap-yakap siya.

Masama naman ang tingin ni Eiram kay Valerie na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Hindi na nito napigilan ang inis kung kaya’t kinompronta na ang kaklase.

“Valerie!” aniya at sinampal ito.

“Ouch!” Halos matabingi ang pisngi ni Valerie dahil sa lakas ng sampal ni Eiram. Namula iyon at napahawak nalang ito sa bandang sinampal.

“Eiram, ano ‘yan?” gulat na wika ni Yvonne.

Agad na nagtungo sina Althea at Anne upang pigilan si Eiram dahil naramdam nila ang panginginig nito sa galit.

“Ano, Valerie? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa amin, may koneksyon ba ang pagkamatay ni Andrea sa’yo? Anong ibig sabihin ng traydor?!” bulyaw nito sa harapan ni Valerie, hawak-hawak ang kwelyo.

Hindi matingnan ni Valerie si Eiram nang diretso sa mga mata. Ang mga mata nito ay napupuno ng luha, halos hindi na siya makakita.

“Huwag mo kaming iyakan! Magsalita ka! Iyan ang gusto namin! Huwag kang magpaawa na parang bata, Valerie. Bwiset!”

“S-sorry talaga, Eiram…” bulalas ni Valerie.

Tinulak ni Yvonne si Eiram at siya ang kumausap kay Valerie. “Sumagot ka na kasi! Sabihin mo lahat ng nalalaman mo. Bakit ka sinabihan ng traydor? Witness ka ba? Tell us! Baka ‘yan ang way para makaalis tayo rito.”

“Oo nga! Spill the tea!” mapagbirong sabi ni Anne.

“No joke for this time, Anne,” sita ni Precious.

“Okay.”

“Sagot na, Valerie!” Sumigaw na rin si Yvonne dahil sa inip.

Napatakip ng mukha ni Valerie at pinunasan ang mga luha gamit ang palad. Namumugto na ang mga mata nito kakaiyak.

“Teh, magsalita ka na kasi,” anang Kryslyn.

“T-totoo ang boses, si Andrea ang pumatay sa mga kaklase natin noong una pa lang,” piyok na rebelasyon ni Valerie dahil umiiyak pa rin ito. Matapos niyang sabihin iyon ay humagulgol ulit siya.

“Gago?” Nanlaki ang mga mata ni Eiram.

“Bakit mo alam?” tanong ni Kryslyn.

“Ikukwento ko,” sagot ni Valerie. Tumayo siya at pinunasan muli ang mga luha. Sa pagkakataong ito, nahihiya man ay lakas-loob siyang nagkuwento para matapos na ang panggugulo ng mga kaklaklase sa kaniya.

Pero bago siya magsalita, inuhan siya ng boses.

“Round 4 has ended. The next round will starts… now!”

01:59

“Magkwento ka na!” apura ni Anne.

***
FLASHBACK*

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now