Chapter 18

141 33 2
                                    

Habang binabaybay nina Aason, Alfred, at Elayza ang daan papuntang cafeteria, napansin nila na wala pa ring pinagbago ang buong paaralan.

Tahimik.

Walang tao.

Malungkot.

Kung anong huling kita nila rito bago sila mahimatay sa cafeteria noong kumain sila ng kung ano ay ganoon pa rin ang itsura.

"Guys," tawag ni Elayza sa dalawa.

Nahinto sila.

"Bakit?" Humarap si Aason.

"Oh?" Lumingon din si Alfred.

"Hindi ko pa rin talaga maintindihan hanggang ngayon, eh," ani Elayza at nagpatuloy. "'Di ba, pagkatapos ng lindol noong homeroom natin, tanda niyo pa ba 'yun? Saan kaya nanggaling 'yung usok na dahilan para mawalan tayo ng mga malay?"

"Usok? 'Yung mabaho?" Napaisip si Aason.

"Oo," sagot ni Elayza.

"Hindi ko alam. Pati ako nagtataka rin kung bakit may ganoon do'n. Sa pagkakaalam ko, wala namang mga ganoon sa rooms," sabi ni Alfred.

Nagtaka na nga silang tatlo.

"Ang labo lang talaga kung paano nangyari iyon, eh. Tsaka sampalin mo nga ako, Aason," utos ni Elayza rito.

Napaatras si Aason dahil sa hiling ng kaniyang kaklase. "Bakit? Anong dahilan para sampalin ka?"

"Para magising ako. Pakiramdam ko kasi hindi totoo lahat ng nangyayari, eh!" anang Elayza.

Bigla siyang sinampal ni Alfred.

"Aray!" Mabilis na napahawak sa pisngi si Elayza. "Baliw ka na ba, Alfred? Bakit ikaw ang sumampal?

Halos maluha na si Elayza sa ginawang pagsampal ni Alfred. Bahagya namang natawa si Aason dahil sa ginawa ng kaklase.

"Para matauhan ka. Hindi ka talaga magigising kung si Aason dahil scripted. Oh, at least nang bigla kitang sinampal ay natauhan ka, na totoo 'tong nangyayari sa atin."

"Alfred, sineryoso mo naman kasi. Mukha namang nagjojoke si Elayza, eh." Tumawa ulit si Aason.

"Walang nakakatawa!" Naglakad na si Elayza papunta sa cafeteria at iniwan ang dalawa niyang mokong na kaklase.

"Hoy! Sandali!" hirit ng dalawa bago nila habulin si Elayza.

***

"Shet! Hindi nga nagbibiro si Ma'am Micka. Napakarami ngang pagkain dito sa cafeteria!" Halos mapuno na ng pagkain ang mata ni Alfred nang makapasok sila sa loob.

Bumawi si Elayza at biglaang kinurot sa pwet si Alfred.

"Ah!" mahinang daing ni Alfred.

"Huwag ka muna magdiwang, hindi pa natin alam kung safe ba ang foods or hindi," bulong ni Elayza.

Tumawa nang awkward si Alfred. "Sakit ng kurot niya potek!" bulong niya sa sarili.

Si Aason naman ay dumiretso roon sa mahabang salamin upang tignan ang nakahilerang iba't-ibang mga pagkain.

"Menudo?"

"Pakbet?"

"Pritong itlog at hotdog?"

"Frozen foods?"

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now