[Players]
Aason|Miguel|Kendrick|Ivan Terenze|Leozandro|Gian|Alfred Patrick|Ian|Ezekiel|Darren|Vhenhur
Elayza|Andrea|Sienna|Angela|Joy
Allyza|Precious|Kate|Anne|Althea
Eiram|Yvonne|Juriel|Kryslyn|Jaicel
Valerie|JeaGame: Haunting the Liar
Venue: Room 112Kusang nagsarado at ngayon ay hindi na mabuksan ang pinto na kanilang pinasukan. Sinubukang buksan iyon ni Darren kaso hindi niya nagawa.
"Guys! 'Yung pinto. It's locked!" kinabahan si Darren at pinilit nitong baklasin ang door knob pero hindi kaya ng pwersa ng kamay niya para buksan iyon. Parang isang metal na sobrang tigas na hindi kayang buksan ng basta-basta lamang.
Tumulong na ang ibang mga kaklase niya at si Miguel nga ang sumubok.
"Aaah ang hirap!" bulalas niya matapos ikutin ang door knob ng halos limang beses pero wala ring napala.
"Mahirap ba?" pagtataka ni Yvonne sa gilid na pinapanood lang ang mga kalalakihan na buksan ang pinto.
Tumango si Miguel. "Bakit hindi kayo ang sumubok para malaman niyo?"
Sumubok nga ang iba pero walang nakagawang buksan iyon. Tila isinarado ang lugar para walang makaalis na kahit isa sa kanila.
Ang lahat ay dapat na panindigan ang laro na mas pinili nila kaysa umamin nalang kung sino talaga ang tunay na nagtago ng safe box.
"Players, you may now each take one phone." lumabas ang boses at nabigyan na nga ng permiso ang lahat para kumuha ng tig-iisang gadget na kanina pa nila tinititigan magmula nang makapasok sila sa loob ng silid.
Unang kumuha ng gadget si Elayza. Isang itim na gadget na kasinglaki lang ng buong kamay niya.
"Astig niyan, ah? Anong brand? Iphone ba? Patingin nga ako." tinuturo pa ni Alfred ang hawak ni Elayza na gadget. Inirapan lang siya nito at lumakad na do'n sa likod.
Natahimik siya bigla. Bakit parang ang sungit ni Elayza sakan'ya? Pakiramdam niya tuloy may galit iyon sa kaniya.
Kinausap nga ni Patrick ang na-snob na si Alfred. "Wala naman kasing tatak 'yung phone, tinatanong mo pa kung Iphone. Sira ka rin, e." tumawa si Patrick matapos sabihin iyon. Nakapatong pa ang kamay nito sa braso ni Alfred.
"Masama ba magtanong?" bwelta naman ni Alfred at umirap din.
"Mamilosopo kamo, ah." sabat ulit ni Patrick at doon ay binatukan na nga siya ni Alfred dahil sa inis.
"Ay! Sorry, tol! Gumalaw. Pasensiya ka na." sabi ni Alfred matapos gawin iyon sa kaklase niyang si Patrick.
Tumawa lang si Patrick. Naguguluhan si Alfred. Napaisip siya kung baliw naba si Patrick. Masyado ata siyang masiyahin kahit na nabatukan na.
Hindi naman ganoon kalakas ang batok ni Alfred kaya siguro dedma lang si Patrick doon.
"Sorry ulit, pre."
"Okay lang." tumawa ulit si Patrick.
Tapos na makakuha ng gadget sina Aason, Miguel, Kendrick, Ivan, at Leozandro. Ngayon ay nagtipon-tipon silang lima sa gilid habang hinihintay ang ibang kaklase na makakuha rin.
"Saan kaya 'to gawa? Wala naman kasing settings, 'di ko makita 'yung specs." tinitignan ni Aason ang kabuuan ng gadget. Kinakalikot pa nga at sinusuri saan iyon gawa.
"Ang gaan naman nito." ani Miguel.
Magaan lang ang gadget na hawak nila. Kahit siguro baby ay kayang hawakan iyon.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...