Nagsimula nang umilaw ng pula ang bakal na nakalagay sa ulo ni Sienna.
Ito ang indikasyon na matatanggap na niya ang hatol ng kamatayan.
Pilit siyang kumawalag sa upuan. Ang kaniyang mga paa, kamay, at hita ay namumula na rin dulot ng kanina pa ito nakakandado.
Napapasinghap na lang si Sienna.
"A-alisin niyo 'tong mga kandado sa katawan ko! Tsaka 'tong bakal sa ulo ko! Hindi ako ang killer!" giit niya sa pinakamalakas na tono ng kaniyang boses, gustong iparating na hindi siya ang may responsibilidad sa pagkamatay ng gurong si Mr. Reymark.
Ngunit hindi pumapabor ang ilan sa mga kaklase nito.
Dahil kumandado na rin sa kanilang pag-iisip na mamamatay-tao si Sienna.
"Hindi mo 'yan matatanggal kasi para sa'yo talaga 'yan!" sabi ni Kendrick sa kaniya. "Grabe ka na, Sienna! Wala akong masabi sa'yo!"
Walang humpay ito sa paghikbi.
"Enough with that crying!" inis na sita ni Precious kay Sienna.
Itinikom ni Sienna ang kaniyang bibig ngunit maririnig pa rin ang iyak. "H-hindi nga ako sabi, eh! W-wala akong kasalanan! Inosente akong tao! Wala akong ginagawang masama!" patuloy na giit niya.
Ngunit tila ba'y nagmistula ng taingang-kawali ang mga kaklase niya, na para bang sarado na ang utak sa anumang mga rason nito.
Malalim ang tingin ni Precious kay Sienna, mukhang naiinis na nga ito.
"I said stop crying!" ulit niya. "I hate you so much!" Napasinghap ito. "I thought you are innocent. Akala ko lang pala! And how could you act that you are? Nadamay pa kami!"
"Kaya nga! Nadamay tayo sa krimen na ginawa niya!" gatong ni Eiram, namumula na rin sa galit.
"Guys, an evil was an angel before. Just like what happened to Lucifer... don't you remember?" singit ni Darren sa kalmadong boses.
"And Sienna is an example!" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Darren at napasigaw na lang.
Umiling-iling naman ang dalaga. "M-mali kayo ng iniisip. Pakinggan niyo ako! Nagsasabi ako ng totoo!"
"Sinong naniwala?" anang Anne, ang mga kilay nito ay nagsalubong.
"Nag-stay ako sa library tsaka hindi ako lumabas para akusahan niyong pinatay ko si Sir Reymark. Hindi ko magagawa sa kaniya iyon!"
Pinapangit lang ni Darren ang itsura nito at parang inaasar si Sienna. "You can't fool us again! Naging tanga na kami simula una, sobrang dami ko nang pinaghinalaan. I even suspect Precious for doing the crime but I was wrong. Because it was you! The black sheep among us white!" Nangingilit na ito sa galit.
Nakahilera sila ng upo at hindi pa rin makagalaw nang maayos dahil nga mahigpit pa rin ang mga kandado.
Ngunit hindi iyon alintana upang gisain ang kaklaseng si Sienna na siyang dahilan ng lahat.
"Hindi ka na naawa sa mga kaklase nating nadamay, Sienna? B-bakit? Bakit mo nagawa 'to? Nakakainis ka! Gusto kitang saktan!" Halos tumulo na rin ang luha ni Eiram, bigla niyang naalala ang mga inosente nilang kaklase na namatay sa mga nakaraang laro.
Sininghot ni Sienna ang hangin na halos hindi niya malanghap dahil sa kakaiyak nito. "Iiyak ba ako nang ganito kung hindi rin ako nasasaktan at naaawa sa mga kaklase nating namatay?" Humagulgol lang siya at nagpatuloy.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...