Tumigil sa paghinga ang lahat. Lahat sila ay pokus ang tingin kay Vhenhur, binabantayan kung may mangyayari bang masama sa kanilang kaklase.
"Naabutan ba siya ng time?" tanong ni Precious na ngayon ay kinakabahan at nakahawak sa damit ni Sienna.
"Hindi ko rin alam." sagot ni Sienna.
Si Vhenhur ay nakatayo lang at nanginginig ang mga kamay. Naibagsak niya ang hawak nitong phone at bumagsak na rin ang mga luha sa mga mata niya.
"V-vhenhur, b-bakit ka umiiyak?" lalapit na sana si Yvonne kay Vhenhur pero pinigilan siya bigla ni Terenze.
"Huwag, Yvonne." ani Terenze.
"Bakit?"
"Baka sumabog ang collar niya."
"So, naabutan siya ng time?"
Tumango si Terenze. "Baka?"
Umiling-iling si Vhenhur at puno na ng luha ang buo niyang mukha.
"S-sorry, guys." wika niya. Ang lahat ay nagtataka kung bakit humihingi ng tawad ang kaklase nilang si Vhenhur.
Sa isip-isip ng iba ay mamamatay ito.
"Are you saying your goodbyes, Vhenhur? Don't ever say na tutulad ka kay Caesar? Don't, please!" sabi ni Precious sa gilid pero hindi makalapit sakaniya.
"Sorry ang alin?!" sigaw ni Eiram.
"Sabihin mo sa'min bakit?"
"I voted, guys. Nakaabot ako sa time." aniya at pinunasan ang luha pero patuloy pa rin siya sa paghikbi.
Nakahinga nang maluwag ang lahat nang mapagtanto nilang nakaboto si Vhenhur bago mag-end ang time.
"You did it!" sabi ni Precious.
Ang mga tropa niyang lalaki ay agad na pumunta kay Vhenhur upang yapakin ito nang mahigpit.
"Akala ko iiwan mo na kami, tol!" ang higpit ng yakap ni Alfred dito.
"Tol, ligtas ka!" sabi naman ni Patrick. "Nakaboto ka, tol!"
"Buti nalang mahal mo kami at hindi mo kami iniwan." wika naman ni Ezekiel at todo yakap din kay Vhenhur.
"Ang oa nila." napatawa nang bahagya si Althea nang sabihin ito sa mga kasama niya habang pinapanood sila Vhenhur na nagyayakapan.
Ilang saglit ay tumunog ang screen.
Napatingala ang lahat doon.
Nagbago ang rankings.
Vhenhur casted her vote for Kate
Nahuli ang pag-anunsyo sa boto ni Vhenhur. Ngayon lang nila iyon narinig. Gulat silang lahat dahil si Kate ang ibinoto niya.
Agad na lumipat paitaas ang litrato ni Kate, indikasyon na siya ang nakakuha ng may pinakamataas na votes pagkatapos ng limang minuto.
"Omg. Si Kate?!" gulat na gulat ang mukha ni Yvonne.
"I'm sorry guys. I'm sorry Kate!" inalis ni Vhenhur ang pagkakayakap ng mga tropa niya at agad na nagpunta kay Kate upang yakapin ito.
"Tol! Sandali!" sigaw ni Ian. Walang nagawa ang tropa niya dahil mabilis ang pagtakbo ni Vhenhur sa kaklase.
Nagulat ang lahat.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...