Ang akala ng lahat ay isa lamang iyong simple at basta-bastang rebus puzzle na kinakailangan nilang i-solve para makalabas at mahanap ang exit. Ngunit hindi pala iyon kadali. Wala silang timer kaya ang magdidikta sa oras at kung hanggang saan sila aabot ay sa pamamagitan ng Agua Regia na ngayon ay umaapaw na sa pool.
Agad na napaurong si Eiram na siyang nakasaksi sa pag-apaw ng Agua Regia.
Nang marinig ng kaniyang kaklase ang malakas nitong sigaw ay napabalikwas sila at nagtungo malayo roon sa pool.
"What are we going to do now?!" Nakahawak si Precious sa damit ni Leozandro, kinakabahan at natatakot.
Kumapit naman si Leozandro sa kamay ni Precious. "Huwag kang mag-alala, Precious. Marami tayo rito, alam kong magagawa nating i-solve ang huling rebus puzzle na ibinigay ni Ma'am Micka sa tamang oras. Nagawa nga nating matapos 'yung game, eh."
Sumabat din si Alfred. "Medyo mahirap kasi 'yung puzzle, Leozandro. Kung ikaw, alam mo ba 'yung sagot?"
Umiling si Leozandro.
"Hindi pala, eh."
"Anong pinaglalaban mo ngayon, Alfred? Parehas lang naman tayong binuhat ni Aason," bwelta ni Leozandro.
Sinita sila ni Darren.
"Alfred. Leozandro. Can you please stop, both of you?! Tsaka kayong lahat, ano pa ngarod ang ginagawa natin, ay?! Bakit pa kayo nagtatanga riyan? Let's start solving it now! We have to do an action!" bulalas ni Darren. Naagaw nito ang pansin ng iba niyang kaklase.
"Darren?" tawag ni Anne rito, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon makaasta ang kaklase. "Huwag ka nga magmadali nang gan'yan! Ikaw 'tong nagpapalala ng sitwasyon, eh."
"I just wanted to say na huwag kayong tumunganga lang diyan kasi umaapaw ang tubig!" masungit nitong tugon.
"Kumalma ka, please! Susubukan ko na nga sana kanina, kaso lang na-interrupt ako sa boses ni Eiram. Kaya sige, Darren. Susubok ulit ako!" ani Sienna. Tumayo siya sa gitna ng mga kaklase at isinigaw ang salita na kanina pa nasa isipan niya.
"Deads!" sigaw ni Sienna.
Kinabahan ang lahat. Ang akala nila ay iyon na ang tamang sagot ngunit umilaw lang din ng pula ang screen.
Napapikit si Gian nang malaman nilang mali ang sagot ni Sienna.
"Ako! Ako! May naisip akong sagot," bida niya, hinarangan ang mga kaklase. Bumwelo ito bago magsalita. "Six red deads!" lakas-loob niyang sigaw.
Umilaw ulit ng pula ang screen.
"Tanga mo naman, Gian! Paano naging six red deads 'yan?" sambit ni Miguel. "Teka, may naiisip ako kanina, eh. Baka tama itong nasa isip ko? "
"Ano?" naintriga si Elayza.
"Wait, ako ang sasagot," aniya.
"Bilisan mo, Miguel, ah!" pagmamadali ni Eiram sa kaniya. Sa sobrang pagpapabilis nito kay Miguel ay nagkamali ito nang banggit.
"Dead end?!"
"Ay mali! Ano pala... Dead point?!"
Halata sa mukha ng mga kasamahan na umaasa silang tama na ang sinabi ni Miguel ngunit pulang ilaw pa rin ang kanilang natanggap.
"Look! The table and chairs!" Itinuro ni Darren ang mga iyon na siyang pinaglaruan nila kanina. "Tignan niyo 'yung paa ng mga chairs and table! 'Yung mga keyboards and steel boxes! Halos matunaw na! This is what I'm telling you, guys!"
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...