Chapter 08

163 41 2
                                    

🎶 Twinkle twinkle little star.
How I wonder what you are.
Up above the world so high.
Like a diamond in the sky. 🎵

Paulit-ulit na tunog ang nangibabaw sa buong kwarto. Isang maganda at malumanay na musika ang gumising sa lahat. Ang tunog na ito ay boses ng isang batang umaawit na ginagamit sa pagpapatulog ng mga sanggol.

Nagmistula itong alarm clock na siyang nagpagising sa lahat.

"Ha?! Nasaan tayo ngayon?!" unang bumangon si Miguel sa kaniyang kinahihigaan. Sumunod naman ang iba pa niyang mga kaklase na lalaki.

Hindi pa rin tumitigil ang musika. Ito ay patuloy sa pagtunog hangga't hindi pa naggising ang lahat.

"Bro, wake up!" niyugyog ni Darren ang natutulog na si Vhenhur. Siya nalang kasi ang hindi pa nagigising sa kanilang lahat.

Humikab si Ezekiel.

Nag-aayos naman ng buhok si Gian.

Si Leozandro ay nag-me-make-up.

"Ayaw niya talaga gumising, bro. Naririndi na ako sa tunog na twinkle twinkle little star na 'yan! Kanina pa 'yan tumutugtog, e." angal ni Darren kaya naman si Aason na nga ang sumubok na gisingin ang
natutulog na si Vhenhur.

Si Vhenhur ay nakapatong ang kamay sa kaniyang ulo at nakanganga pa ito.

"Nananaginip ba siya?" tanong ni Ivan habang nakatingin sa mukha ni Vhenhur. Natawa pa nga siya.

"Oo, tol. Parang ang ganda nga ng panaginip niya." sagot ni Patrick.

Habang pinagmamasdan nila ang kaklase ay may naisip na paraan si Terenze para gisingin si Vhenhur.

Nagkatinginan sila ni Ian na para bang parehas silang ng naiisip.

"Tabi!" pag-aapura ni Ian.

"Kami na gigising sakan'ya." dagdag naman ni Terenze. Tumabi nga ang mga kaklase nilang lalaki at ginawa na nila ni Ian ang binabalak na gawin.

"1. . . 2. . . 3!"

Sabay na hinila patayo nina Terenze at Ian ang magkabilaang kamay ng natutulog na si Vhenhur at kaagad itong nagising. Tumulo pa ang laway niya at gulat na gulat sa nangyari.

Nagulat din ang mga kaklase nila sa gilid dahil sa ginawa nilang iyon. Sila ay naghagalpakan sa tawa dahil sa reaksyon ni Vhenhur na parang may nakitang multo nang magising.

"Hoy grabe kayo, Terenze." naawa si Leozandro kay Vhenhur pero tumawa rin naman ito.

"Kumusta panaginip mo?" tumawa rin si Kendrick.

Parang nawawalang bata si Vhenhur nang ilibot niya ang paningin sa buong silid. "Saan ito? Nasaan tayo guys? Na-kidnap ba tayo?"

"Hindi rin namin alam." sagot ni Gian na patuloy parin sa pag-aayos ng kaniyang buhok.

"Kaya nga, nagising lang din kami sa twinkle twinkle na tunog tapos eto narito na tayo." walang ideya si Patrick kung bakit sila napunta rito.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now