Chapter 13

144 40 2
                                    

Matapos ang isang saglit ay bumalik muli ang guro sa tv screen. Sa pagkakataong ito, hindi na uniform ang suot niya. Nakasuot na ito ngayon ng damit na para bang mag sosolve ng isang mahirap na puzzle.

“Taray, new outfit ang demonyo,” bulong ni Yvonne sa katabi nitong Althea.

“Luh? Makademonyo ka naman kay ma’am…” reaksyon ni Althea. “Sabagay, medyo totoo naman,” sabay tawa.

“Oh ‘di ba? Sabi sa’yo, eh.” Tumawa rin si Yvonne.

Parehas nilang tinitignan ang itsura ng kanilang guro. Pinag-uusapan nila kung bakit ganoon ang suot niyang damit.

“Bakit kaya ganiyan ang suot ni ma’am?” Nagtaka na nga rin si Kendrick.

Umiling si Leozandro. “Malay ko.”

Bukod sa kanila, mababakas din ang pagtataka sa pagmumukha ng karamihan. Kung titignan, sila ay nakasuot pa rin ng mga terno pajamas habang ang guro ay nakaayos.

“As I said earlier, we will play another game,” wika ng guro at may hawak-hawak pa itong magnifying glass.

Pumasok agad ang kaba sa mga katawan nila. Sa tuwing maririnig nila ang salitang 'game' o 'laro' ay talaga namang bumabalik sa kanila ang mga karanasan kasama ng mga kaklase nilang namatay na.

Tila ba nasasaktan pa rin sila.

“Please, ayoko na talaga!” bulalas ni Elayza.

Hinawakan ni Eiram ang kamay niya. “Sino ba ang may gusto? Wala namang may gusto nito sa atin. Hindi ka nag-iisa, pare-parehas lang tayong ayaw dito.”

“President, parang ‘di ko na kaya.” Biglaang sabi ni Aason nang lumapit ito sa kaniya.

“Kakayanin mo, Aason. Kaya natin ‘to!”

“Pero…” Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na sinabi ang mga susunod na salita.

“Para saan kaya ang magnifying glass na hawak ni ma’am?” tanong ni Jea kay Allyza.

“Hindi ko alam, eh,” sagot ng kaibigan.

Umangal si Alfred. “Ma’am, sabing hindi po kami ang pumatay kay Sir Reymark! Bakit po ba ayaw mong maniwala sa amin? Hindi naman po kami ganoon kademonyo para pumatay ng brutal.”

“I just don't believe, Alfred,” wika nito at tinignan siya sa mata. “Because I believe a killer is hiding among all of you.”

“Pero ayaw po naming maglaro. Natatakot na kami, ma’am!” giit pa niya.

“Whether you want it or not, you will participate in the game. Because if you don't… you already know what will happen,” sagot ng guro. Natahimik si Alfred.

Dinikitan siya ni Vhenhur at isinampa ang isang kamay sa balikat nito. “Bro, hayaan mo na. Tulad ng sinabi ni ma’am, wala na tayong magagawa gustuhin man natin o hindi. Kailangan nating maglaro.”

Tinanggap na lang nila ang kapalaran nila na kailangan nilang sumalang sa walang-sawang laro hangga't hindi pa nabubuko kung sino sa kanila ang killer.

“Let me introduce to you the game. For this day, the game is called ‘Rebus Confinement’. But before we start, the players will be divided into four groups that consist of five members each.”

“Groups? A game done by a group again? Tulad doon sa unang laro? Totoo ba?” tanong ni Precious sa mga kasamahan.

“Parang ganiyan nga,” sagot ni Leozandro.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now