Chapter 29

75 3 0
                                    

PAGOD na pagod nang magpaliwanag si Sienna sa mga kaklase nito na hindi siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mr. Reymark.

Halos lahat na ay ginawa niya para kumbinsihin ang mga kaklase ngunit walang pinapakinggan ang mga ito.

Dumating sa punto na napagod na si Sienna.

Wala na siyang boses.

Nanatili na lang siyang tahimik habang ang atensyon ay nakatuon pa rin sa namapayang si Miguel.

"Ma'am! Ano pang ginagawa mo? Kuryentihin mo na si Sienna!" utos ni Anne sa guro. Napansin kasi nitong nakatitig lang ito kay Sienna.

"Kaya nga po. Si Sienna ang killer, ma'am! Hindi si Miguel!" dagdag ni Kendrick dahilan para mapatingin sa kanila si Ms. Micka.

"Calm down, players. I've got this," tugon naman ng guro sa kanilang dalawa.

Parehas na napasinghap sina Anne at Kendrick.

"Kailan pa po?" tanong ni Kendrick.

"Baka hindi niya tayo pakikinggan? Kilala ko na si ma'am," sarkastikong natawa si Anne.

Blangko pa rin hanggang ngayon si Ms. Micka at pala-isipan sa kaniya kung bakit lumabas na inosente si Miguel.

Napagtanto niya na totoo ngang nagsinungaling ito upang pagtakpan ang kasalanan ni Sienna.

"So Miguel literally saved Sienna from being killed?" bulong niya sa sarili. Inilapat niya ang kamay sa ilalim ng baba habang inuusisa ang aksyon ng dalaga.

Tumaas ang dalawang kilay ng guro nang makita kung paano umiyak nang husto si Sienna, alam nitong ginagawa niya lang iyon upang manipulahin na naman ang lahat.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Miguel!" sisi ni Eiram kay Sienna. "Ano ba kasing espesyal sa'yo para mahumaling si Miguel, ha? Tsaka importante ka ba para isakripisyo ang sariling buhay niya mailigtas ka lang? Kung tutuusin, basura ka, eh. Psh!"

"True! If I'm Miguel, I won't risk my life to save that killer," gatong ni Precious, inirapan niya si Sienna.

"Why don't you just admit what you really did, Sienna? That you killed Mr. Reymark? If you do that, we're all done!" Gustong-gusto na talaga ni Darren na malaman ang totoo.

Dahil ayaw magsalita ni Sienna, sumapaw na lang si Aason. "Hindi natin malalaman kung killer o inosente si Sienna kung hindi siya papatayin. Kaya mas magandang parusahan na siya para magkaalaman na! Ano pa bang ginagawa ni ma'am? Bakit hindi pa siya gumagawa ng aksyon?"

"Ma'am, Sienna is the killer!" sabi ni Precious dito.

"100% ang na-compute mong suspicion rate sa kaniya 'di ba, ma'am? Tapos rank 1 pa siya sa mga suspicious. Malaki ang chance na si Sienna nga ang killer at pinagtakpan lang iyon ni Miguel," dagdag ni Eiram upang mas mapaniwala ang kanilang guro.

"Patayin niyo na po siya, Ma'am Micka. Kahit kami ay gustong malaman ang kasagutan!" Maging si Anne ay hindi na mapakali.

"Punish her now!" anang Darren.

Nagtulong-tulong ang lahat upang kumbinsihin ang guro na isunod si Sienna. Ngunit tila nagdududa ang guro at parang ayaw niyang maulit ang nangyari kay Miguel dahil sumasagi rin sa isipan niyang baka inosente nga ang dalaga.

"Ano ba talaga kasi ang totoo, Sienna? Maawa ka naman sa'min, oh. Ayaw naming mamatay." Pilit na tinatanong ni Kendrick si Sienna ukol sa posible nitong pagpatay sa guro.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now