Chapter 22

116 28 5
                                    

Swimming pool.

Malaking kubo.

Sandamakmak na pagkain.

Nakawiwindang musika.

Ang lahat ay nagtungo sa itinurong silid ng guro kung saan daw magaganap ang isang pool party.

Tulad ng kanilang inaasahan, hindi man nasisinagan ng araw at kulob ang silid, damang-dama naman nila ang init dahil walang pumapasok na hangin ngunit lumalaban ang lamig dahil sa mala-asul na tubig ng pool.

"Ito ba 'yung pool party?" Dahan-dahan na naglakad si Anne sa gilid ng swimming pool dahil ito ang bungad pagpasok nila sa room 239.

Kasamang maglakad ni Anne si Eiram.

"Talagang nagbago nga ang school natin 'no?" sabi ni Eiram sa kasama.

"Bakit naman?"

"Pansinin mo kasi, 'di ba nagising tayo sa quadrangle tapos may explosive materials sa mga leeg natin?"

"Oh... tapos?"

"Lahat ng classroom ng school ay nagbago. Naging mysterious. 'Yung iba naka-lock. 'Yung iba naman may simenteryo, mga higaan, tapos ngayon parang nasa resort tayo?"

Napa-isip din si Anne dahil sa sinabi ni Eiram. Hinampas niya nang mahina ang kamay nito. "Hindi ko rin alam kung paano at bakit nangyayari sa'tin 'to. Pero huwag mo na isipin muna 'yan, Eiram. Tignan mo 'tong pool oh! Ang sarap tumampisaw!"

"Oo nga beh! Tara sawsaw natin paa natin!" aya ni Eiram. Naupo sila sa gilid ng swimming pool at isinawsaw nga ang kanilang mga paa.

Itinaas nina Anne at Eiram ang mga pajama nila bago iyon gawin.

"Ang lamig, Eiram. Gagi!"

"Beh, ang sarap nga sa paa, eh!"

Tuwang-tuwa ang dalawa na para bang hindi nagkainitan ang lahat sa kanilang silid bago mag-anunsyo ang guro na magkakaroon ng pool party.

Habang nag-eenjoy ang dalawa sa pagsawsaw ng kanilang mga paa, nagpunta rin doon sina Sienna at Miguel upang makisali.

"Kayo na naman magkasama?" tanong ni Anne nang makitang sabay na naupo ang dalawa sa tabi nila.

"Masama ba?" komento ni Miguel.

"Oo nga, masama ba?" Isinampa naman ni Sienna ang paa sa tubig.

Nagkatinginan sina Anne at Eiram at sabay na ngumiti. "Meron! Yiee!"

Napangiwi si Sienna. "Mga baliw!"

Ngumiti naman si Miguel.

"Ay hala may ngumingiti!" pagpaparinig ni Eiram.

"Sino?" pagsabay ni Anne sa trip nito.

"Hindi ko kilala pero nakangiti."

"Ahh... oo!" Tumawa si Anne.

Bigla ngang itinigil ni Miguel ang pagngiti.

"Ewan ko sa inyong dalawa," saad ni Sienna. Pinagmasdan na lang niya ang lawak ng buong lugar. Malaki ang swimming pool at sabik na rin siyang magtampisaw dito.

Dumiretso naman sa kubo sina Aason, Kendrick, Precious upang tingnan ang mga nakahandang pagkain.

"Wow! Perfect 'to, ah?!" Unang nilapitan ni Aason ang gilid ng Kubo o cottage kung saan naroon nakapwesto ang paglutuan ng barbeque. Sa tabi nito ay nakalagay ang mga iihawin.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now