Chapter 33

44 5 1
                                    

DIKIT na dikit ang tingin ng dalawa. Tila may nakapatong na apoy sa kamay ni Eiram habang madiin ang pagkakahawak sa kanya ni Precious. Ngunit kahit ganoon, nanlalamig pa rin ito.

Ang dugo ni Anne ay patuloy na dumadaloy pababa sa boxing ring. Hindi pa rin ito malapitan ni Eiram dahil pinipigilan siya ni Precious. Nasasaktan ito para sa kaklase—sa sobrang tagal nitong gustong makaligtas, sa kamay lang ni Precious siya madadali.

"Look at this knife," saad ni Precious. Inilapit niya ang kutsilyo malapit sa kanyang bibig. Hinintay niya si Eiram na lumapat ang mga tingin nito rito.

Maya-maya lang, inilabas ni Precious ang kanyang dila at dinilaan mula sa patalim hanggang hawakan ang nakabahid na dugo ni Anne sa kutsilyo.

Napapikit ito. "Hmm. The blood of innocent tasted good," sabay mulat ng tingin.

Nandiri si Eiram. Ngayon lang lumabas ang pagiging pyschopath ni Precious. Sa mga nagdaang linggo o buwan, isa lamang siyang bulalaklak na animo'y nakabibihaghi at mabango—ngunit nasa kaibuturan nito ang itinatagong baho.

"Gusto mo ring tikman?" Alok nito.

Hirap ibuka ni Eiram ang bibig. "A-ayo..."

Nagmukha na siyang pipi. Nais niyang magsalita. Mukhang binarahan na ng takot at matinding pag-iisip ang lalamunan nito.

Sinusubukan mang gumalaw, tila paralisado na si Eiram dahil sa nakalulusaw at nakatataas-tensyon na mga titig ni Precious, tila ba ipinapakita nitong wala siyang uurungang laban sa pagkakataong ito.

Puno ang kanyang mata ng pagtatanto. "I-ikaw...ang pumatay kay s-sir?" Salitang nauutal pang bitaw ni Eiram. Mabuti na lamang ay nagawa niya ring makapagsalita sa kabila ng takot.

Damang-dama ni Precious ang mga nanginginig nitong kamay. Ngunit siya? Tanging ngisi at demonyong mga mata ang ibinabaon sa kaharap na kaklase, halatang tinatakot ito.

"Ano naman ngayon?" Maangas nitong tugon.

Mas hinigpitan pa ni Precious ang kapit sa kamay ni Eiram, bagay na nagdulot upang mapadaing ito.

"Aray! Precious. Tigilan mo ako. Masakit!" Gustuhin mang alisin ni Eiram ang hawak nito, hindi pa rin ito nagpatinag, lakas-loob na sinipa ni Precious ang mga binti niya kung kaya naman napaluhod ito.

Nang maabot na ng tuhod ni Eiram ang sahig, agad namang hinawakan ni Precious ang kanyang buhok na mahigpit at sinabunutan ito.

"Yes, Eiram. Surprise 'di ba?" Tumawa siya. Masaya sa ginagawang pagpapahirap sa kaklase.

"Bakit mo pinatay si Anne? Wala kang awa!"

"Ano ba dapat ang gawin ko? Save her?" Tumaas ang mga kilay ni Precious. Sa tono ng kanyang boses, wala itong nararamdamang takot. Tanging kumpiyansa sa sarili na pinalalakas ng kasamaan.

"Ikaw ang demonyo sa larong ito! Napakasama mo, Precious! Paano mo nasisikmurang pumatay ng tao, ha?"

"You're so stupid, Eiram. Alam mo naman ang rule ng game, right? Innocent needs to kill the killer. And...the killer needs to stop them," paliwanag nito. "That's why I killed her. Walang makapipigil sa mga plano ko."

Napasinghal si Eiram at tagaktagak na ang pawis. Patuloy ang tila naghahabulang elepante sa kanyang dibdib—kaba, inis, at pangamba ang naghahalo.

"Paano mo nagawang magpanggap all this time? Ang d-daming nawala...namatay...tapos ikaw? Ikaw ang salarin sa lahat ng 'to?" Gusto na nitong magpakawala ng nananabik na mga luha.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now