Flashback
Huminga nang malalim si Darren. Nasa tapat siya ngayon ng pintuan ng storage room. Madami man ang bumabagabag sa kaniyang isipan, kailangan niya pa ring ituloy kung anu man ang napag-usapan nilang dalawa ni Aason.
"Just calm, Darren. You've got this." Pinapalakas niya ang loob dahil inaatake siya ngayon ng matinding kaba at takot. Hindi niya maisantabi sa isipan na nasa loob ng pintuang papasukan niya ang bangkay ng pinatay na guro, at sa loob din naganap ang pagpatay dito.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang door knob, nagdududa pa rin sa mga desisyon na maari niyang magawa. Ang kanyang puso’y tumitibok nang mabilis dala ng takot at pananabik.
Ang koridor naman ay nakakatakot na tahimik, ang bawat hakbang ni Darren habang papunta sa storage room ay umaalingawngaw sa mga dingding.
Nalaman niya noon sa statement ng gurong si Ms. Micka na naroon ang katawan ni Mr. Reymark kaya’t kailangang niyang tingnan ito ng sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang flashlight, alam niyang ito lang ang tanging liwanag sa madilim na silid na papasukin niya.
Dahan-dahang bumukas ang pinto ng ikutin ni Darren ang door knob, doon ay nagpakita ang loob na puro dilim ang nilalaman.
Huminga ulit ng malalim si Darren at lakas-loob na pumasok, ang kanyang flashlight ay nagbigay ng makitid na sinag ng liwanag na tumagos sa madilim na paligid. Naglalaro naman ang mga alikabok sa liwanag habang iniikot niya ito sa mga nakaimbak na gamit at mga kahon.
"I can't believe what I'm seeing right now. Ilang araw o buwan na bang hindi nalinisan ang storage room? Did they hide the crime up until now? Kaya ba walang pumupunta rito para man lang maglinis?" Makapal ang hangin, tapos ang amoy ng mga lumang libro at mga panlinis ay tumutusok sa ilong ni Darren.
"Kailangan kong gawin ang plano. I should find Mr. Reymark's dead body first, then baka roon ako makakahanap ng clues to help me investigate what truly happened to him. I suspect all of them, pati si Aason, those three girls, maybe one of them is the killer. Kaya I'll find it myself, I don't need help of Aason."
Maingat na kumilos si Darren, ang sinag ng kanyang flashlight ay sumisilip sa mga sulok ng silid. Sinuri niya ang bawat kahon, bawat istante, ngunit walang bakas ni Mr. Reymark.
"W-what? Nasaan ang bangkay? Where is Mr. Reymark? According to Ms. Micka, andito siya, pero nasaan? Lintek, huwag niya sabihing all this time puro kasinungalingan lahat ng iyon?" Isang halong pag-asa at pagkalito ang bumalot kay Darren. Ngunit hindi niya ito pinaniwalaan, hinanap pa rin niya ang bangkay sa loob ng silid.
"This is impossible, the crime scene happened here, paanong nawawala ang bangkay? Sabi ni ma'am, hindi naman nila ginagalaw iyon right after malaman 'yung murder, they kept the body here, but the question is... nasaan? Where's the body? May nagtago ba? May nagdala ba ng katawan niya sa ibang lugar? If that's possible, then who could be?" Halos magpawis na ang ilong ni Darren dahil hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari. "Maybe isa sa mga natitira kong classmate ang gumawa niyon? Right! I should find the clues right now."
Habang patuloy siya sa paghahanap, inusisa niya ang bawat sulok, sinimulan niyang ilawan ang sahig hanggang sa may napansin siyang kakaiba rito.
"B-blood?!" Agad naman siyang napatayo dahil sa gulat. Inilawan niya ang kabuuan ng sahig at nakita niya ang kalat-kalat na dugo, ngunit ito ay kulay itim na para bang matagal nang dumanak sa sahig. "T-this c-could be Mr. Reymark's blood..."
Bahagyang nanginig ang mga kamay ni Darren nang mapagtantong may kumuha nga sa bangkay ng kaniyang guro. Nakita niya rin kasi sa sahig ang basag-basag na vase, ang bagay na ginamit ng killer na ipinampukpok sa ulo nito.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...