Chapter 14

146 37 2
                                    

“Ma’am! Palabasin niyo kami rito! Akala ko ba maglalaro kaming lahat? B-bakit anong ginagawa namin dito at kailangan naming nakakulong sa kung anong mga hawla na ‘to? Ha?!” bulalas ni Althea, reklamo siya nang reklamo sa guro.

“Ssh! Althea, kumalma ka nga,” saad ni Kendrick na naroon lang nakatayo sa gilid ng Spade na kulungan kung saan nakakulong ang mga miyembro nito.

“Kalma ka, teh!” dagdag pa ni Kryslyn, binigyan niya si Althea ng mataranas na tingin.

“Paano ‘yan kakalma e para kaming tanga na ibon na nakakulong dito? Ito ba ‘yung laro na sinasabi niya?” giit naman ni Vhenhur, sinusubukang umalis matapos awtomatikong nagkandado ang hawla.

“Iyon ang sabi ni ma’am ‘di ba? Bakit kasi hindi na lang natin sundin, Vhenhur? Baka mas mapahawak pa tayo sa ginagawa mong pagrereklamo,” si Allyza naman ang nagsalita.

“Ako?” Itinuro niya ang sarili. “Ako ba ang nagrereklamo? Si Althea kaya ‘yun!”

“Tumigil ka nga, Vhenhur!” ani Althea.

Sumigaw at nagwala si Althea sa loob. Sinubukan siyang pakalmahin nina Vhenhur at Allyza na kasama niya.

Sa kabilang hawla naman, sa grupo ng heart, ay naroon din sina Leozandro, Ezekiel, at Yvonne na sobrang nag-aalala kung paano sila nakakalabas doon. Malawak naman ang espasyo ngunit nababahala sila nang sobra.

“Kinakabahan talaga ako sa mangyayari. Kasyang-kasya tayong tatlo rito sa kulungan na ‘to. Para tayong nga ibon na tinanggalan ng karapatan makalaya,” ani Yvonne.

“Oo, para din lang kung ano ‘yung kinalaki ng mga kulungan na ‘to, ay para ikulong tayo,” sagot naman ni Leozandro, nakahawak sa kulungan.

“Kayong dalawa, ayos lang ‘yan. Hindi pa naman natin alam ‘yung game mechanics, eh,” sabi ni Ezekiel sa dalawa.

“Aason at Precious, gagalingan niyo, ha?” sambit ni Yvonne sa kanilang King at Queen na nakatayo sa gilid ng kanilang kulungan.

“Keri nilang dalawa ‘yan. Go Aason! Go Precious!” cheer ni Leozandro sa dalawa.

Nginitian naman siya nito.

Sa hawla naman ng diamond, seryoso na nag-uusap ang King at Queen ng grupo.

“Sabi ko, huwag kang kakabahan, Sienna, eh. Kakayanin mo ‘yan,” anang Miguel. Katabi niya ngayon si Sienna at pansin nito ang panginginig ng kamay.

Hinawakan ni Miguel ang mga kamay nito.

“H-huh? Ginagawa mo?!” gulat na tanong ni Sienna. Nagkaroon sila ng titigan ni Miguel nang ilang saglit.

“Para hindi ka kabahan.” Ngumiti siya.

Agad na inalis ni Sienna ang kamay niya sa kamay ni Miguel. Lumingon ito sa ibang direksyon. “Ako? Kinabahan? Tch. Hindi ‘no! Kapag nanginginig… it means sobrang lakas ko at ready ako!”

“Sus! Sino niloko mo?” sumbat nito.

“Galingan niyong dalawa, ha!” bulalas ni Ezekiel na naroon sa loob ng kulungan. “Ako na bahala sa kasal kapag natapos."

“Hoy anong kasal?!” Tumaas ang kilay ni Sienna.

“Para ka namang hehe,” pagbibiro ni Miguel.

”Miguel, umayos kasi kayo.”

“Oo na, Patrick. Mas kinakabahan pa kayo kaysa sa amin mi Sienna, eh.”

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now