Nakaupo na ngayon ang King ng Heart at Spade sa lamesa. Ngayon ay sina Aason at Kendrick na lang ang maglalaban para sa kaligtasan ng kanilang mga miyembro.
Umalis na rin sina Anne at Sienna roon sa pwesto ng mga lockers dahil tapos na sila maglaro. Ang naiwan lang doon ay ang mga queen na sina Precious ng team heart at Kryslyn ng team spade.
Nasa gilid naman ang ibang mga nakaligtas habang patuloy na nakasabit sa itaas ang miyembro ng mga grupong maglalaro.
"Aason, ipaubaya mo na sa amin 'to. Mas deserve ng grupo ko ang manalo. 'Yang mga members mo? Sina Leozandro? Alfred at Yvonne? Hindi nila deserve makaligtas," pakiusap ni Kendrick sa kalaban na si Aason.
Tinignan ni Aason si Kendrick nang seryoso sa mga mata. "Anong akala mo sa akin, Kendrick, tanga? Tsk! Members ko sila, todo sila sa pag-cheer sa'kin. Bakit ko sila papabayaan?"
"Kasi mas deserve nila Althea ang makaligtas! Malay mo, isa sa mga members mo ang killer?"
"Hindi. Baka isa sainyo, kamo?"
"Ligtas na nga tayo, eh, kahit sino naman ang mamatay sa mga grupo natin, hindi tayo madadamay. Kaya ipanalo mo na ako. Gusto ko silang iligtas," giit pa ni Kendrick.
Ngumisi lang si Aason. "Ayun na nga. Ligtas na tayo dahil pinili nila tayong King para iligtas sila. Anong mindset 'yan? Bakit gusto mo silang patayin? Ikaw ba ang killer?"
"Ako? Hindi! Anong ako?" Naging balisa si Kendrick.
Tumawa naman ngayon si Aason. "Hindi mo ako mamamanipulate, Kendrick. Kung gusto mong manalo, better na gawin mo ang best mo dahil hindi ko susukuan ang members ko."
"Okay. Sabi mo, eh!" anang Kendrick.
Nang handa na ang dalawa ay nagbigay na nga ng hudyat ang kanilang guro.
"First rebus puzzle for round 2 will now commence!"
"First rebus puzzle..."
00:29
Natahimik ang lahat lalo na't hindi ulit sila maaring tumulong sa mga naglalaro. Isa pa, hindi pa sila nakakamove-on sa pagkamatay ng tatlo nilang kaklase.
"D ba nasa left side ng box? Ano kaya ang pwede?" Nag-isip si Kendrick ng maari niyang isagot.
Ang kalaban naman nitong si Aason ay halos parehas sila ng iniisip. "Kung may letter D sa gilid, bandang left side sa loob ng box, baka D in the box ito?"
"Ano kayang sagot?" patuloy na kinakausap ni Kendrick ang sarili.
Halos ilang segundo na lang ang natitira bago maubos ang 30 seconds. Sobrang bilis nang takbo ng oras.
YOU ARE READING
The Enigma of 11STEM-2
Mystery / ThrillerIn Grade 11, 36 students of section STEM-2 found themselves trapped in a deadly game after a shocking earthquake struck Cygnus Junior College. What forces them to play the game? A murder mystery has emerged, and the killer is suspected to be one of...