Chapter 15

131 34 2
                                    

Nagkaroon ng pagkakataon kahit papaano ang ibang King nang mapansin nilang nahihirapan si Darren na sagutin ang puzzle.

Nagpokus si Aason sa pag-iisip kung ano ang tamang sagot sa puzzle dahil maski siya ay nahihirapan din sa paglutas sa nakatagong salita.

Si Kendrick naman ay pinagmamasdan ang bibig ni Darren, binabasa nito ang mga sinasabi niya upang makakuha ng ideya.

"My time to shine," ani Kendrick.

Habang si Miguel naman ay sinusuri din ang puzzle nang mabuti.

Lahat sila ay abala sa pag-intindi ng litrato. Habang ang mga miyembro sa itaas naman ay nag-uusap-usap.

"Anong tamang sagot diyan?" tanong ni Leozandro sa mga kasamahan nito.

"Feeling ko… Business without s?" sagot ni Yvonne.

"Mali naman ‘yan, eh!" giit ni Alfred.

"Eh, ano?!" tanong ng dalawa.

"Hindi ko rin alam." Ngumiti si Alfred.

“Papansin!” Napangiwi si Yvonne dahil sa kayabangan ng kaniyang kasama.

Binatukan naman ni Leozandro ang kaklase.

"Inaano ka?"

"Oa ka kasi!"

"Sana makuha ni Kendrick ‘yung tamang sagot," dasal ni Althea, nakapikit ito.

"Sana nga..." dagdag naman ni Vhenhur, nagdarasal din.

Habang ang grupo naman ng club ay gumagawa na ng engkantasyon upang manalo si Darren sa ikatlong rebus puzzle.

"Sa ngalan ni Darren at Anne, at ng magiging anak nila. Sana manalo ang grupo natin," wika ni Gian habang hawak-hawak niya ang kamay nina Eiram at Elayza.

"Hoy! Huwag nga ganiyan. May magseselos!" sabi ni Elayza.

"Sus! Patay naman na 'yon!"

"Ano?" Nagulat si Eiram. "Eh si ano, patay na rin naman, ah!"

Hinampas ni Gian si Eiram. "Huwag na huwag mo siyang babanggitin!"

"Bitiwan mo nga ako!" giit ni Eiram.

"Ano ba?! Magtigil nga kayo!" sita ni Elayza sa dalawa.

Nagkagulo na ang hawla ng club.

00:01

Aason: Unfinished business

Miguel: Missing s

Kendrick: Unfinished business

Darren: No business

Natahimik sandali ang mga Kings.

"Did I got the answer?" bulalas ni Darren.

"Congratulations to King Aason for solving the rebus puzzle 'Unfinished business.' With that, Team Heart earns one point!" anunsyo ng guro matapos ang puzzle.

Napangiwi si Darren. "Oh... wrong."

"Ay! Mali rin ako." Nakayuko naman si Miguel, disappointed sa sinagot.

"Congratulations to King Kendrick for solving the rebus puzzle 'Unfinished business.' With that, Team Spade earns one point!” dagdag pa nito na naging dahilan upang maghiyawan sa tuwa ang kanilang mga kagrupo.

The Enigma of 11STEM-2Where stories live. Discover now